financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Alam nyo ba na ang kantang ‘Ako ay may lobo’ ay Financial Literacy para sa mga bata

Maaring ang artikulo ko na ito ay natutuon sa mga magulang na may mga batang anak, ngunit ubra din naman sa mga may mga pamangkin at sa mga mahihilig sa mga bata.

Isa na siguro ako sa maraming naging isa sa mga kabataan na kahit paano ay nakamulatan ang pambatang kanta na ito (Ako ay may lobo).

Alam nyo ba na ang kantang ito ay isang simpleng kanta na nag tuturo ng ‘basic’ na ‘Financial Literacy’ sa mga bata!

Siguro ay maaring sa umpisa ay parang gusto lamang itong kantahin ng mga bata ng pa ulit-ulit dahil sa nakaka engganyong tunog at pamilyar na ‘lyrics’ nito. Ngunit alam nyo bang malaunan ay matutunan at tatanim sa ‘sub-conscious mind’ ng bata ang ‘lesson’ o aral ng kantang ito. Baka magulat pa kayo na isang araw ay maging isa itong aral ng bata na sya mismo ang mag papa alala sa inyo.

Mas mainam na sa murang edad ay kahit sa mga simpleng kanta na may kapupulutan na ng mga aral ang mga bata ay atin din itong maituro sa ating mga anak at kabataan.

Leave a Reply