financial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

All Temporary Worker in Canada for more than 4 Years will have to leave by April 1, 2015

temporaryworker

Nakakalungkot isipin na mga balitang ganito na masasagap natin. Hindi sa tayo ay nanakot pero realidad ito na nangyayari sa iba’t-ibang parte ng mundo at sa iba-ibang bansa na kung saan na dati kulang ang bansa nila ng mga mangagawa at dati ay hindi mapunan ng mga local o ng kanilang mamayan ang ilang mga trabaho ay dahil na din sa lumalaking populasyon siguro ay dumami na din ang kanilang mamayan at dumating na sa panahon at puntong na nag hahanap o kaya ay nag de-‘demand’ na ang kanilang mga bagong mamayan na papasok sa ‘workforce’ na ibigay muna sa kanila at i-prioridad muna sa kanila ang mga opportunidad at trabaho na meron sila sa kanilang mga bansa.

Natural lang na proprotektahan nila ang kanilang mga mamayan, ala naman itong pinag kaiba sa isang maliit na ‘unit’ ng pamilya na kahit paano ay nadyan pa din ang prioridad ang unahin tulungan ng isang pamilya ang kanyang ka-pamilya bago ang ibang tao sa labas ng kanilang pamilya.

Kaya nga parati na pina aalala namin sa larangan ng pag tuturo ng ‘Financial Literacy’ na huwag na natin hintayin ang mga ganitong pangyayari bago tayo kumilos o gumawa ng paraan para sa sarili natin na tayo ay mag handa sa ating kinabukasan o kahit paano may masimulan na tayong ‘savings’ o ‘investment’ at hindi lamang tayo naka asa sa ating kinikita sa trabaho o nasisilaw tayo sa malaking kita o d kaya naman ay tulad ng pangyayaring ito na bigla-bigla na lamang ay hindi mo akalain na mag babago ang batas ng bansang iyong pinag tratrabahuan at bigla kang na sa situasyon na mawawala sayo ang magandang trabaho na ilang taon na ikaw ay napagbigyan.

News Source (Yahoo Canada): https://ca.news.yahoo.com/video/temporary-foreign-workers-face-looming-213652676.html

Leave a Reply