financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

ANC:On the Money – How to start a business while overseas

Maganda pong serbisyo ito mula sa ahensya ng gobyerno na ‘Commission On Filipinos Overseas’  na nag bibigay ng mga impormasyon sa mga iba’t-ibang datos (data) patungkol sa negosyong gustong pasukin ng kababayan natin na tulad ng mga OFW o kaya ay dating kababayan natin na naninirahan sa ibang bansa na gustong mamuhunan at mag karon ng negosyo sa kanilang tinubuang bayan o kaya ay sa mga ibang parte ng bansa na may mga opportunidad sila sa isang negosyo na gusto nilang pasukin.

May ginawa po silang ‘website’ na parang ‘one-stop portal’ na magbibigay ng impormasyon na kailangan nila.

http://pinoyinvestorstambayan.combalinkbayan.gov.ph

Sinasabing maraming mga kababayan natin na nasa ibang bansa na ang nasa isip na kanilang gustong gawin  sa kanilang pag balik sa atin bansa o pag reretiro ay ang mag karon ng sarili nilang negosyo. Ngunit dahil nga sila ay na sa malayong kinalalagyan at lokasyon ay tanging sa ‘internet’ lamang sila nag sasaliksik ng mga datos (data) at impormasyon sa kanilang gustong pasukin na negosyo. Pero ang hirap sa pag sasaliksik nila ng kanilang sarili lamang ay sabog-sabog ang impormasyon na kanilang nakukuha o kaya ay makukuha at minsan ay hindi kumpleto.

Alam natin na ang pag pasok sa ano mang larangan ng negosyo ay may kaakibat dapat na masusing pag sasaliksik o maayos at tamang at ‘organized’  na impormasyon bago mo ito pasukin. Kung hindi ay walang pinag kaiba sa pag susugal ang pag pasok sa negosyo kung papasukin mo lamang ito batay sa rekomendasyon ng  kakilala, naipayo lamang ng kamag anak, o iyo lamang nakita sa mga iba mong kakilala. Maaring ang pag tratrabaho mo sa ibang bansa o na sa sitwasyon kang meron kang kapital, pero hindi ito lamang ang iyong kailangan sa pag pasok sa isang negosyo, dahil ang kapital ang isa lamang sa madami mo pang ‘requirement’ upang mag tayo ng isang negosyo. Kailangan mo din ng masusing pag-aaral sa iyong papasukin na negosyo at dito mo kailangan ang datos (data) at impormasyon bago mo ito talaga pasukin at simulan.

At malaking tulong ang ‘website’ na ito na ginawa ng ‘Commission on Filipino Overseas’

http://pinoyinvestorstambayan.combalinkbayan.gov.ph

Na makakatulong sa inyo ng malaki tungo sa iyong desisyon na pag nenegosyo sa iyong napupusuang lugar sa Pilipinas kahit ikaw ay na sa malayo.

Panoorin nyo po ng ang ‘youtube video’ sa taaas na ulat sa ANC: One The Money.

 

Leave a Reply