financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Ang kalakaran na ngayon ng pag tra-trabaho sa mga malalaking ‘MNC’ (Multi-National Company)

Maganda at masarap na karanasan ang makapag trabaho ka sa mga malalaking ‘MNC’ ngunit sa pag tratrabaho sa isang MNC Financial Services na kumpanya, ay kung mapapansin nyo na regular na nilang ginagawa ang pag tanggal ng mga tao at empleyedo nila.

Alam nyo ba na isa itong ‘strategy’ upang yong mga matatagal na at matataas na ang sahod ay mapalitan ng mga bagong mas magagaling na puede nilang kunin at syempre sa mas mababang sahod.

Tapos na yong panahon na magtatagal ka at mag reretiro ka sa pinaka mamahal mong kumpanya.

Ang dapat ‘strategy’ mo ngayon, ay ikaw mismo ay maging responsable sa pag tataguyod ng iyong kinabukasan.

Matutong madapa sa mga ‘endeavors’ ng pag tataguyod at pag subok sa kung paano mag karon ng pag kakakitaan bukod sa pagiging empleyado lamang. Oo, kakainin ito ng iyong oras, oras na dapat pahinga mo na lamang oh sa piling ng iyong pamilya, pero isipin mo na lang, kailan mo sisimulan mag aral ng mga ‘skills’ at pag kakataon na makapag tayo ng iyong sariling negosyo o kaya naman ay matutong mag ‘invest’ para sa iyong kinabukasan.

Kung gagawin mo ang mga bagay na ito sa iyong pag reretiro oh kaya ikaw ay isa na sa mga natanggal sa trabaho, oh natapos na ang kontrata sa ‘abroad’ bilang OFW, ay doon ka pa lang mag sisimulang mag aral at madapa, kaibigan pag-isipan mo mabuti. Iba pa din ang handa ka kesa binabaliwala mo lang ang iyong kinabukasan.

Leave a Reply