angel investorsfinancial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Angel Investors, is it applicable to Pinoys?

https://en.wikipedia.org/wiki/Angel_investor

According to wikipedia, “An angel investor or angel (also known as a business angel, informal investor, angel funder, private investor, or seed investor) is an affluent individual who provides capital for a business start-up, usually in exchange for convertible debt or ownership equity. A small but increasing number of angel investors invest online through equity crowdfunding or organize themselves into angel groups or angel networks to share research and pool their investment capital, as well as to provide advice to their portfolio companies.[1]

Tanong? sa kultura ba ng Pinoy ay applicable ba o meron din bang mga  Angel Investor?

Honestly, hindi masyado pamilyar ang Pinoy sa term na Angel Investor, pero sa larangan ng mundo ng investment ay isa itong strategy upang makapag tayo ng isang negosyo sa pamamagitan ng pag hahanap ng isang individual or grupo ng tao na willing na mag pa gamit or mag pahiram ng kanilang kapital para magamit sa isang negosyo na sa mapag kakatiwalaang partner na may ideya ng isang negosyo.

Hindi man siguro madalas na term at gamitin ng mga Pinoy ang Angel Investor ngunit parang sa mga iba’t-ibang scam na nabalita sa atin ay madaming mga Angel Investor o yong mga taong may pera at natabing ipon ang nag tiwala sa isang negosyo o sa isang indibidwal na natututald sa isang networking or investment scam, ngunit may mga pag kaka taon na ang malungkot na pangyayari ay napunta pala sa lokohan o isa pala itong scam.

Mainam din sana ang konsepto ng Angel Investor lalo na at ang may idea ng isang itatayong negosyo ay meron naman talagang malaking potential. Pero malaking challenges dito ay yong tiwala or ‘Trust’ sa nag aalok ng mag tayo o bumuo ng ideya ng isang negosyo or investment opportunity at ng kanyang makukuhang Angel Investor.

Dapat may sundin na mga alituntunin ang bawat isa sa ganitong klase ng pag kaka sundo, ngunit ang mga nabanggit sa baba ay yaong mga basic at common info lamang ngunit maaring mas kailangan pa ng mas maraming puntos ang kailangan.

 

Sa may ideya ng investment o negosyo na nag hahanap ng Angel Investor.

  • Pag-isipan at pag-aralan mabuti ang itatayong negosyo.
  • Mas maganda kung meron ng napatunayan na small scale na negosyo na talagang kumikita na at kailangan na lang na i-expand
  • Mas mainam na meron munang ‘Feasibility Study’ sa isang papasukin negosyo na magpapatunay ng data at info na ito ay talagang kikita.
  • Ang lubusan maayos, detalyado at malalim na komunikasyon sa iyong magiging  mga Angel Investor/s.
  • Ang pagiging seryoso at sincere sa iyong adhikain na makatulong sa iyong kukuning Angel Investor pagkat sila ay lubos na magtitiwala sayo sa pamamagitan ng pag titiwala nilang gamitin mo ang kanilang pera.

 

Sa pagiging Angel Investor

  • Siguraduhin muna sa pamamagitan ng maayos, malinaw na pakikipag pulong ng ilang beses bago pumasok at pumayag bilang isang Angel Investor.
  • Mas mainam na may mga maayos na dokumento, presentation at feasibility study muna ang isang negosyong inaalok sa inyo.
  • Mas mainam if meron ng small scale na negosyong tumatakbo na at talagang in-demand, na kailangan na lang talaga ng dagdag na kapital para ma expand.
  • Mainam na makilala na muna ng husto ang iyong magiging partner sa pamamagitan ng konting pag bigay ng panahon upang makapag background check muna bago tuluyang mag tiwala.

 

Muli ay ang mga nabanggit na puntos sa taas ay mga basic lamang na mga puntos na mahahalaga sa isang nag hahanap ng Angel Investors at pati na din sa mga gustong maging Angel Investors. Maipapayo namin na mag saliksik pang mabuti at kung maari ay mag aral ng kurso o di naman kaya ay umattend ng mga seminar at training patungkol sa ganitong approach ng pag pasok na endeavors.

Naway kahit sa basic info ay nakatulong sa inyo ang simpleng paliwanag at payo patungkol sa Angel Investors.

Leave a Reply