financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Ano ba ang kalayaan na pang pinansyal?

 

Akala kasi natin ay sa aspeto lamang ng demokrasya nagagamit ang salitang ‘kalayaan’. Pero madalang natin maririnig siguro yong ‘kalayaan pinansyal’ o sa salitang ingles ay ‘financial freedom’.

Madaming mga aspeto sa ating buhay na tayo ay pag dadaanan at siguro ay isa na ang halimbawa ng ating mga ‘goal’ na narating sa taon na ito na ating na plano nong nakaraang taon, at ito ay isa sa mga halimbawa pa lamang ng ating mga mga maliliit na hakbang ng ating mga pag susumikap.

Ano ba ang kalayaan na pang pinansyal?

Ito ay hindi lamang sa pag kakaroon ng madaming pera o salapi, ito ay isa din kalayaan sa kung ano ang gusto mo sa buhay ngunit sa ating sobrang ‘busy’ na buhay ay madami tayong tungkulin na kailangan natin pag laanan ng ating atensyon tulad ng pagiging magulang natin, pagiging asawa, ang pagiging isang empleyado at pagiging mamayan sa ating bansa at lipunan.

Kung talagang kailangan mo ng kalayaang pang pinansyal ay dapat mo na unang gawin at isipin ay ibahin ang iyong situasyon na kinalalagyan.  At ito ay sa puntong maiiba na talaga ang iyong pananaw at hindi magiging hadlang ang kahit ano mang mga pinagdaanan mong masasamang karanasan sa iyong buhay.

Kailangan mo ang isang proseso tungo sa isang positibong pagbabago sa iyong buhay tulad ng mga aspetong spritwal, pinansyal at matatag na emosyon upang makamit mo ang masaya, kuntento, at pinaka magaling mong sarili na kaya mong gawin.

Kaya mong maiba ang iyong situasyon kahit ala ka pa sa kalagayan na iyong gusto sa buhay at mararating mo din ang kalayaang pang pinansyal.

Para masunod mo talaga ang kalayaang pang pinansyal ay kailangan mo talaga ang disiplina ng edukasyon na patungkol dito (Financial Literacy) dahil sa ganitong paraan mo lamang masusukat kung paano mo mararating ang bagay na ito.

Mahirap ang pag babago sa ating buhay lalo na sa mga bagay na nakasayanan na (habit) na hindi nakakatulong sa ating pag unlad sa ating pamumuhay at sa ating sariling pag asenso, ngunit ito lamang ang tamang paraan at ang unti-unti natin dapat na madisiplina ang ating sarili ang unang hakbang na kailangan natin gawin.

Siguro ang maipapayo ko din na talagang mag papa bago sa iyong buhay upang marating mo ang kalayaang pang pinansyal, ay ang mag isip ka ng malalim, mag dasal, manalangin at bigyan mo ng oras ang iyong sarili at tanungin mo ang iyong sarili ng mabuti. Ano ba talaga ang mag papa saya sa buhay mo?, ito ba ay ang maka piling mo ang pamilya mo?, ang maibigay mo sa kanila ang nararapat, paano ka makakatulong sa iyong kapwa at sa iyo pang ibang miyembro ng pamilya, at kailan mo sisimulan.

Sa mga nabanggit ko ay kahit paano kung iisipin mo ito mabuti ay ito ang unang mag bibigay sayo ng pag uudyok upang ikaw ay gumawa ng hakbang tungo sa layunin mo sa buhay na mag karoon ng kalayaang pang pinansyal.

 

 

 

 

 

Leave a Reply