financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Ano ba talaga plano, mag trabaho na lang at mag retiro na lang

Huwag kang mag alala kaibigan, natanong ko yan kasi madalas ko din matanong sa sarili ko ito eh. Kapag araw na walang pasok sa trabaho, pahinga o kaya ay na sa byahe papasok at ikaw ay napapa isip na ano ba talaga gusto mo gawin sa buhay.

Mahirap din talaga kasing isipin ang pag pasok sa isang bagay na hindi mo pa alam, oh kahit mapag aralan at malaman mo man ay siguradong may ka akibat na sakripisyo ito. Hindi tulad ng ikaw ay nag tratrabaho lang sa iyong nasimulan na oh naka gisnan ng trabaho na naging parang linya at kabisado mo na, at naging bihasa ka na at kahit siguro yata naka pikit ay alam mo na gagawin mo.

Lalo pa sa siguro sa mga nag trabaho na ng matagal sa isang kumpanya, oh kahit na ‘promote’ man ay hindi naman nag pa lipat-lipat ng kumpanya kaya, alam na alam mo na talaga ang kalakaran at bawat mga tao o kapwa manggagawang nakaka halubilo mo sa pang araw-araw mong pag pasok sa pag tratrabaho.

Pero kaibigan, dapat ka din mamulat at isipin natin at mag masid na lang tayo sa paligid natin oh kaya huwag na tayong lumayo, don na ang sa pamilya mismo natin, sa mga magulang o mga nakakatanda nating mga kamag-anak tulad ng ating mga tiyahin at tiyuhin. Pansinin mo ang kanilang mga naging situasyon sa buhay, kung may kamag-anak ka na ang naging buhay ay umikot lamang sa pag tratrabaho at pag reretiro. Ano ba ang kanilang naging buhay, siguro sa mga panahon na dekada 70 or 80 ay maaring sa mga panahon na yon ay ayos pa ang mga benepisyo ng mga nag reretiro ay maari pa din sigurong maka buhay ng pamilya ang pension na nasimulan nila makuha ng mga panahon na yon.

Ngunit ang laki ng pinag bago ng mundo, naging mabilis at madami na din ang naging kumpetensya at dahil dito nag higpit na din ang gobyerno at mga kumpanya sa larangan ng pag bibigay ng mga benepisyo sa kanilang mangagawa.

Hindi naman natin sinasabing huwag na tayong umasa sa ating kinikita lamang sa trabaho dahil ang realidad at katotohanan ay ito ang una nating pinag kukuhanan ng ating ikabubuhay natin at ito din ang unang hakbang natin na tayo ay mag karon ng sarili nating kita.

Ngunit siguro ang dapat natin isipin ay sa panahon ngayon dapat bukod sa ating kinikita sa ating pag tratrabaho ay dapat din na mag isip tayo ng iba pang alternatibo na maari natin na gawin upang kung dumating man sa puntong malapit na tayong mag retiro at wala ng kakayanan ang ating katawan na mag trabaho, o sa mga pag kaka taon na may biglaang hindi magandang pangyayari sa atin na mahinto tayo sa ating pag tratrbaho ay kahit paano ay meron tayong ginagawang isang bagay na pinag hahandaan natin ang maaring pangyayaring ito.

Naisulat ko lang din ito dahil tulad ng nabanggit ko sa unang parte ng aritukulo na ito, ako din ay nag iisip ng mga bagay-bagay na tulad na ito. Hindi sa lahat ng bagay ay pursigido at positibo tayo, bagkus dumadating din sa puntong napapagod sa trabaho at pinang hihinaan ng loob, normal yan kaibigan kasi tao tayo eh, at hindi perpekto.

Ngunit maipapayo ko lang, sa ating pag iisip ay labanan natin ang negatibo at parati natin pasiglahin ang ating pag-iisip, pananalig sa ating manlilikha at pagmamahal sa ating pamilya, at mula dito ay makaka hugot tayo ng lakas upang maka isip ng mga bagay na para sa ikaka unlad natin at para sa ating mga mahal sa buhay at gayon na din ang makatulong sa mga kapwa nating nangaingailangan.

Leave a Reply