financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Ano malaking pinag ka iba ng isang taong positibo sa karamihan

Stay Positive

Alam natin na ang talagang mag papa angat sa atin at mag papa tibay sa atin sa laban ng buhay ay dapat talaga na matutunan natin ang pagiging isang positibo na pananaw sa buhay. Masasabi natin na hindi maiiwasan sa buhay ang meron at meron darating na problema o sakuna ngunit sa ayaw at gusto natin ay kailangan pa din natin harapin ang mga bagay na ito.  At ang pag harap sa ating buhay kahit pa man dumadating tayo sa puntong may mga pag subok at kung minsan naman ay masasayang pangyayari ang sigurong isang dapat natin paka tandaan ay kung paano natin mapapanatili at matutunan ang pagiging positibo sa kahit na anong aspeto oh pangyayari ang darating sa atin.

Oo madaling sabihin pero ang totoo mahirap gawin at lalong mahirap sabihin na maging positibo tayo lalo na kung na sa situasyon ka na halos magunaw na mundo mo sa dami ng iyong mabibigat na problema. Pero isa lang masasabi ko na ganon pa man ay kaya natin aralin ang pagiging positibo kahit paano at isa itong bagay na pag iyong natutunan ay magagamit mo ito sa mga pag subok mong darating pa sa iyong buhay.

Ang pagiging positibo para sa mga karamihan ng tao ay parang imposible sa kanila. Paano mo nga naman gagawin pang maging positibo kung sa isang taong halos lahat ng bagay ay ginawa na nya ngunit bigo at para bang puro problema pa din ang dumadating sa kanya.  Napakahirap nga naman isipin kung paano ka magiging positibo sa pag kakataon kunwari na biglaan kang nawalan ng mahal sa buhay o kaya ay trabaho.

Siguro mas gawin natin na medyo mas malapit sa realidad ang interpretasyon ng pagiging positibo at kung paano ba ito talaga natin maintindihan ng mas mabuti. Ang pagiging positibo ay hindi tulad ng isang magandang pelikula na iyong napapanood na tila ba madami ang eksena na puro positibo oh malayo sa realidad minsan ng mga nangyayari sa ating buhay. Masasabi nating hindi naman talaga normal na parati tayong positibo sa buhay dahil tao tayo at hindi tayo ‘robot’. Hindi din ibig sabihin na ang senyales ng pagiging positibo ay parati kang naka ngiti. Sa totoo ay darating tayo sa mabibigat na pag subok na hindi maiiwasan na minsan  maging malungkot, minsan at natatakot, minsan at naiiyak  at misnan ay  nag aalala. At kahit na positibo ang pananaw natin sa buhay ay hindi ibig sabihin ay hindi na tayo madadapa o mag kaka problema. Sa ating pag harap sa mga problema at pag subok ng buhay nabubuo ang ating pag iisip na maging positibo sa buhay. At kung parati tayong matututo sa mga ating pag kaka dapa ay mabubuo ang tatag sa ating dibdib na maging positibo ang ating pananaw sa ating mga pinagdaanan.

Ang mga taong positibo sa buhay ay meron din mga problema katulad ng karamihan sa atin ang pinag kaiba lamang nila ay na sa isip nila na ang problema ay parte lamang ng pag subok at pag dadaanan nila sa buhay. At pag katapos nilang dumaan sa mga krisis o problema ay agad silang tumatayo sa kanilang pag ka dapa at hindi na nila pina patagal pa sa kanilang isipan ang mga negatibong bagay. Naililipat agad nila ang kanilang atensyon mula sa lungkot at depresyon sa mabilisang pag iisip ng solusyon kahit na imposible or tila ba hindi pa kayang gawin agad ito ngunit ito ay kanila ng binibigyan ng kanilang atensyon. Yon sigurong mabilis na pag iisip mula sa negatibo na pabalik sa positibo ang kanilang simpleng paraan kung paano nila mabilisan nalalagpasan ang mga problema at hamon sa buhay.  Hindi maiiwasan ang masakit na pag subok sa ating buhay ngunit sa isang taong may positibong pag uugali, tanggap nya ang sakit na ito pero parati nyang iisipin na ito ay pansamantala lamang at parati nyang iisipin ang kanyang mga natutunan bagay sa mga nakaraan nyang naging problema.

Ang mga positibong tao ay tanggap na nila ang mga pag subok ng buhay at hindi nila ito inaalis sa kanilang isipan upang sila ay lalong tumatag at marating ang kanilang mga pangarap. Bilang tao ay nabubuhay tayo sa mundo na mararanasan natin ang mga bagay na ito at ito ang realidad, at sa mga bagay na ito tayo mahuhubog at kung saan tayo patutungo.  Dapat lamang na parati nating paka isipin na sa lahat ng mga pangyayari sa ating buhay ay dapat may natutunan tayo dito at kung paano natin pag iisipan mabuti ang ating kakaharapin na mga laban sa buhay. Kung atin sasamsamin ang mga bagay na ito ay siguradong mawawala sa ating isipan na tayo ay isang biktima lamang ng mga masasamang karanasan at tayo mismo ang may kakayanan kung paano natin huhubugin ang ating kinabukasan at ating mga pangarap sa buhay.

 

 

Leave a Reply