estate taxfinancial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Ano nga ba ang ‘Estate Tax’ (Tax obligation sa namatay na kamag-anak)

Ang ‘Estate Tax’ ay actually obligasyon na Tax o Buwis na bayarin upang maisa-katuparan ang pag lilipat ng legal na pag mamay-ari o property na naiwan ng ating mga namayapa ng mahal natin sa buhay or ng isang indibidwal (na maaring hindi natin kamag-anak) na gustong mag pa mana ng kanyang mga pag ma may-ari. In short maari din itong tawagin na ‘Inheritance Tax’, from the word ‘Inheritance’, Mana oh mamanahin mong property  (kadalasan ay naiwang mga property ng magulang sa kanilang mga anak at maari din sa iba pang kamag-anak at tulad ng una ng nabanggit ay ng ibang indibidwal na hindi natin kamag-anak).

Bago namatay si Senadora Mirriam Santiago at sa kanyang isa sa mga ‘agenda’ sa kanyang kampanya sa pag takbo nya bilang pangulo nong nakaraang eleksyon ng 2016 ay base sa kanyang pag sasaliksik ay tingin nya na dapat ay buwagin o alisin na daw ang ‘estate tax’ pagkat parang pabigat lang ito sa ating mamayan. Medyo malaking bagay ito lalo na kung malaking halaga ng property ang mamanahin mo, halimbawa ay kung (eg. sa percentage) na 5% na halaga ng total value ng property na estate tax ang maalis sa isang property na may value kunwari ay 1 million piso, hindi ba’t malaki na din ang Php 50,000 or 5% na hindi mo proproblemahin bayaran bilang estate tax. Ngunit hindi na din nya ito naipatupad dahil pag katapos ng eleksyon ay pumanaw na din si dating Senador Miriam Santiago, at sa ngayon ay wala pang ibang masigasig na nag tutulak na pag tanggal ng estate tax sa Pilipinas na katulad niya.

Infact maraming ibang bansa ang kanila ng inalis ang ‘Estate Tax’ or ‘Inheritance Tax’, ngunit madami pa din na mga kilalang bansa tulad ng America at Japan ay meron pa din nito at kasama na dyan ang Pilipinas.

Source: http://taxfoundation.org/article/estate-and-inheritance-taxes-around-world

Sadyang totoo na madami sa ating mga kababayan ang hindi talaga nakakasunod agad sa pag aasikaso ng pag lilipat ng mga naiwan property ng kanilang mga mahal sa buhay dahil na nga sa malaking obligasyon pinansyal (esatate tax) na kaakibat ng pag lilipat ng mga titulo ng mga naiwan property, ay ang katapat na obligasyon na pag babayad ng ‘estate tax’.

May isang bill na inakda si Senator Koko Pimentel na layunin na makatulong upang mag karon ng ‘Amnesty’ na kung saan sa mga gustong mag ayos ng property ng kanilang mga mahal sa buhay na matagal na nilang hindi naasikaso ay sa pamamagitan ng batas na ito ay hindi masyado magiging malaki ang inyong babayaran ‘estate tax’ at may mga ‘considerations’ upang mapa baba pa ang inyong mga bayarin. Ang ‘Amnesty’ din na ito ay parang kahit na medyo matagal o kaya ay natagalan na hindi naasikaso ang pag sasalin ng pag babayad ng ‘este tax’ ay kasama ang pag alis ng malaking ‘penalty’ na bayarin kung sakali man na inyo ng maisipan na ito ay asikasuhin.

Source: http://pinoyinvestorstambayan.comrappler.com/nation/141319-koko-pimentel-senate-bill-estate-taxes

Eto kasi ang kadalasan (hindi naman sa lahat ng pag kakataon) na mga issue kung bakit hirap ang mga Pinoy sa pag babayad ng ‘Estate Tax’ ng kanilang mga naiwan mahal sa buhay o nag pa mana/nag iwan ng kanyang pag mamay-ari ng isang indibidwal.

  • Karamihan sa mga namamatayan nating mga kababayan ay dumadaan din sa mabigat na mahabang panahon na pag kaka sakit na kung saan dito nauubos ang kanilang natabing pera, ipon o pensyon at minsan madami pang naging utang.
  • Kawalan ng kaalaman patungkol sa ‘Estate Tax’, na ang ‘common knowledge’ at nagiging usapan lang madalas ay kung paano mag hahati-hati sa mamanahin.
  • Sa mga naiwang mahal sa buhay na dapat mag asikaso ng pag babayad ng ‘Estate Tax’ at pag aayos ng kung paano nila hahatiin ang kanilang mamanahin ay may mga pag kakataon na hindi sila mag ka sundo-sundo dahil na din sa issue ng pag paparte.
  • Mas nauuna ang ‘greed’ or ‘selfishness’ minsan kung paano nila hahatiin ang mga naiwan ng property, na sa puntong ang pag lilinaw muna sa lakarin at obligasyon sa pag babayad ng ‘Estate Tax’ ay naisang tabi na lamang.
  • Pag iwas minsan sa pag lapit at pag konsulta sa mga abogado dahil umiiwas sa pag gastos, at meron din naman na mga abogado na nag sasamantala sa mga ganitong pag kakataon.
  • Walang ‘coordination’ sa mga naiwang kaanak dahil sa malayo sila sa isa’t-isa oh sa iba-ibang bansa na sila nakatira.
  •  At pinaka ‘common’ talagang dahilan ay ang wala ng talagang ‘Pera’ o Pondo na nakalaan sa pag babayad ng ‘Estate Tax’.

Actually madami pang ibang mga issue or dahilan kung bakit karamihan sa mga kababayan natin ay hindi agad o minsan hindi talaga na inaasikaso o naasikaso ang pag aayos ng kanilang mga naiwang property at lalong lalo na ang pag babayad ng ‘Estate Tax’, ngunit yong mga nabanggit sa taaas ay ang mga ‘common’ na kadalasan na dahilan.

Bakit ba natin kailangan asikasuhin ang pag babayad ng ‘Estate Tax’ at ang pag aayos ng pag lilipat ng mga property ng naiwan ng ating mga mahal sa buhay na pumanaw na.

  • Upang maisalin natin ang mga naiwan property o naiwan sa atin ng mga kamag anak (ie magulang at iba pang mga kamag-anak o indibidwal)  o mga taong nag tiwala sa atin (mga taong hindi natin kamag anak ngunit naging bahagi ng iyong buhay ie. maaring inalagaan mo na individual).
  • Upang maging legal ang property na iniwan sayo at hindi lamang sa verbal na pamamaraan (kahit na binilin at pinamana sayo ang isang property ngunit hindi mo pa ito naisalin ng legal ay maituturing na hindi pa legal ito na pag mamay ari mo).
  • Bilang continuation din ng record ng gobyerno sa kung sino na ang nag mamanage ng naipamanang mga property.
  • At dahil ang estate tax at ang paraang kaakibat dito ay base sa ating saligang batas patungkol dito.
  • At maari pang ibang mga kadahilanan.

Ang mga nabanggit sa artikulo at post na ito ay mga basic info at sarilling opinion lamang patungkol sa estate tax.

Mas mainam na kumunsulta po tayo sa isang abogado o isang eksperto sa ‘Tax’ lalo na sa ‘Estate Tax’ upang mas lalo natin maintindihan ito.

Malaking bagay din ang Internet na kung saan madaming mga forum kayong mababasa at siguradong may matutunan tungkol sa ‘Estate Tax, at pinapayo namin na mag basa at ‘analyze’ natin mabuti ang pag babasa tungkol dito.

Naway naka tulong kahit paano ang simpleng artikulo na ito patungkol sa ‘Estate Tax’ na mag karoon kayo ng ‘1st hand knowledge’ kahit paano tungkol dito.

Ito nga pala ang link ng patungkol sa ‘Estate Tax’ sa mismong BIR website – http://pinoyinvestorstambayan.combir.gov.ph/index.php/tax-information/estate-tax.html

Leave a Reply