financial freedomfinancial literacyofwpinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayanSSSSSS Loan Restructuring Program

Ano nga ba yong SSS Loan Restructuring Program / SSS Condonation?

Marami sa ating Pinoy ay siguro hindi maiwasan yong pagkakataon na nagigipit at talagang nakakalimutan natin yong ibang mga obligasyon tulad na mga Loan natin sa SSS, at atin itong napag papaliban, o minsan ay sadyang nakakalimutan na din talaga, lalo na sa mga kababayan natin na OFW na nakapag abroad na at nakalimutan na meron pa pala silang mga naiwan obligasyon na mga bayarin,  mapa sa tao/indibidwal o mga institusyon na kanilang nahiraman.

At isa na sa mga obligasyon na ating minsan napag papa-liban ay yong ating SSS Loan, na sa mga ibat’-bang kadahilanan ay ating itong nakalimutan o napabayaan.

Ngunit ang problema ay alam nyo ba na dahil ito ay isang ‘Loan’, natural na ito ay may tumutubong interest at pag nag tagal ay palaki ng palaki at maaring dumoble o maging triple pa ang halaga o kaya ay mas higit pa.

Kaya’t pag tutuunan natin ng pansin itong tungkol sa SSS Loan Restructuring Program (LRP) /  SSS Condonation at kung ano nga ba talaga itong programa na ito.

Ang SSS Loan Restructuring Program (LRP)/  SSS Condonation  ay isang programa ng SSS sa mga miyembro upang mabayaran ang kanilang mga naging Loan sa SSS na kanialng hindi nabayaran sa mahabang panahon sa mas magaan na paraan. Ito ay parang isang amnestiya (Amnesty) or sa pag kaka intindi natin sa atin wika ay pag papatawad at pag bibigay ng kondisyon at pag kakataon sa mga miyembro upang ma ayos at mapag bigyan ng isang pagkakataon na mabayaran ang mga hindi nabayarang loan sa SSS, sa pamamagitan ng pag ‘restructure’  at pag bigay ng bagong takdang panahon na mapaliit ang pag bayad ng iyong lumaki at lumobo ng loan at sa pag bibigay ng mas mababang interest dito.

Kadalasan ay sa mga ganitong programa na binibigay ng SSS ay may mga pag kakataon na inaalis na nila ang mga malalaking ‘Penalty‘ na kung saan ito ang malaking kadahilanan ng pag laki ng iyong utang or SSS loan na hindi mo nabayaran sa mahabang panahon.

Paalala (Reminder): Na may mga kondisyon po lamang kung kayo ay ubrang masakop ng SSS Loan Restructuring Program, na mababasa nyo po sa poster ng SSS sa taas.

Narito din po ang isang balita na patungkol dito mula sa TV Patrol (ABS CBN) na pinaliwanag po nilang mabuti ang tungkol dito.

Source: ABS-CBN Youtube Channel

Mas makakaluwag sa ating pag plano sa ating kinabukasan po kung tayo ay may pag kakataon na ating maasikaso at bigyan ng oras ang ating naiwan ‘unpaid’ at ‘unsettled’ na mga SSS Loan, dahil kung kayo po ay isang OFW balang araw ay babalik sa Pilipinas o kaya naman ay malapit na sa pag reretiro ay maaring ang SSS po ang makakatulong sa inyo kahit paano sa iba’t-ibang programa nila at lalo na sa kung kayo ay mag retiro na at ang pagkakaron ng pension sa SSS ay ang isa sa inyong inaasahan.

Upang makakuha pa po kayo ng mas sapat ng impormasyon pa tungkol dito ay na sa baba po ang link sa SSS website patungkol dito.

https://www.sss.gov.ph/sss/appmanager/viewArticle.jsp?page=NR2016_022

 

Kung kayo po ay isang OFW o kaya naman ay hindi nyo maasikaso ang mag lakad ng inyong SSS Loan Restructuring Program (LRP) ay kailangan nyo pong gumawa ng isang Special-Power of Attorney, na katulad ng nasa baba, upang mapalakad nyo po sa inyong kamag-anak or ibang tao ang pag aasikaso dito.

(click myo lang po yong picture ng SPA sa baba upang makapag download po kayo ng kopya nito na isang ‘PDF’ printable format)

Link – https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent?fileName=mlp_special_power_of_attorney.pdf

Or you can download here MLP-01272 (Special Power of Attorney)

 

May mga International TOLL-FREE Call Services po sila para sa mga kababayan po nating OFW sa mga ibang bansa sa Asia, Middle East at Europe.

 

Other Helpful Link:

SSS Inquiries

 

 

54 thoughts on “Ano nga ba yong SSS Loan Restructuring Program / SSS Condonation?

  1. menchie miag-ao says:

    Gudmorning,pg mg apply ng loan restructuring program kailangan ba e paid agad yung remaining unpaid balance pwd po ba half amount ebayad muna?

    1. hi po, base on experience, bibigyan po nila kayong ng another panahon (term) example 2 years (minimum) hanggang 5 years para mabayaran nyo ulit yong unpaid nyo pong SSS loan na hindi nabayaran na hahatiin sa buwanan ulit na pag babayad. Puede din naman po bayaran ng buo if meron po kayong naitabi talagang pambayad. Bago po kayo mag avail ng SSS Loan restucturing, kailangan po may active kayong at least 3 months na contribution : ), if wala po kayong work or isa kayong OFW, puede naman po kayo mag hulog nong kaya nyong monthly contribution according po sa braket nila.

    2. mam by experience po, bibigyan po ulit kayo ng certain period na mabayaran yong unpaid loan nyo, at aalisin po nila yong penalty, yon po kasi yong purpose ng Loan Restructuring, para mapababa na po yong lumobo nyong hindi nabayaran na SSS Loan

  2. hello po. ask lang po, pwede ko po bang pa restructure yongnloan ng asawa ko. ofw po sya. gusto ko po sana na ako na mag asikaso.

    1. opo naman po maam, basta po yong SSS number lang naman po ang importante na ibibigay nyo po sa SSS : )

      1. janet poyaoan bravo says:

        nagpunta po ako noon sa sss branch para mag iapply ko ng restruction ang mr ko. may dala ako zerox sss id nya at lahat ng requirements except po id. pero di po pumayag noon yung nakausap ko. kailangan daw ay dala ko ang sss id mismo ng mr ko.hindi ko dala id nya dahil nasa probinsya po.. disappointed po ako dahil ang haba haba ng pila tapos di din naiapply…

  3. pwede poh b n ibawas nlng poh sa contribution ung loan?

    1. Naku pag kaka alam po namin wala pong ganong scheme ang SSS : )

  4. Vilma Anne L.Duluguin says:

    Hi po! Di ko po maopen yong link.may I ask nlng po if yong capital loan nlng po ba ang babayaran? Thanks po!

    1. pinoyinvestorstambayan says:

      Hi Mam Vilma, ang aalisin lang po nila ay yong Penalty pero po ang principal at interest ay babayarin pa din po, pero base po sa mga comment ng iba ay malaking bagay po na mawala na yong penalty dahil halos kalahati na po ang mababawasa sa inyong utang na hindi nabayaran.

      1. maam gud pm po, ako po ay may loan since 2013, ngunit ng binagyo po kami nh bagyong yolanda, nahinto napo ako sa aking trabaho. magkano nakaya ngayon ang utang ko sa sss? mga 9k ata yung principal. taga leyte po ako.

        1. hindi pa naman po pala ganon katagal, wala pa naman 4 years so hindi pa naman po siguro ito kalakihan. Mas mainam po pumunta po kayo sa nearest SSS branch para po ma pa print out nyo kung magkano na po as of now ang inyong SSS Loan, explain din po nila kung paano kayo mag apply ng SSS Loan Restructuring Program

  5. ann lapeciros says:

    Good evening, pwede po ba maka testruct ng loan after the 10 years payment of premiums. My husband stopped paying na after the his 10 yr contribution.

    1. pinoyinvestorstambayan says:

      Pag kaka alam po namin ay need po yata active na naghuhulog to avail of the SSS loans, pero mas mainam po i-confirm nyo ito sa SSS (nearest branch) para po sigurado kayo sa kanilang ibibigay na inpormasyon

  6. Maam isa po akng ofw ang holog ko po s SS ko ay 990 pisos bwat buhan konwari mag loan po ako mgkano po bang unang loan ko pag ganyan kalaki yong hinoholog ko pwdi po ba akong makahiram ng 100k. At magkanobpo yng buhanan kng bayad sa ganyang kalaking pera may bibilihin po kc sang lupa pra mapatayoan ko ng bahay

    1. pinoyinvestorstambayan says:

      Pasensya na po kasi ang pinaka main topic po namin dito sa article/post namin is about SSS Loan Restructuring Program, at hindi po namin masasagot yong katanungan nyo na ito. Maipapayo po namin na mas mainam pong pumunta po kayo sa nearest SSS upang maka pa compute po nyo kung magkano po ang maari nyong i-apply na Salary Loan : ).

  7. Rene M.Tahud says:

    Godblessed morning mam, pwede po ba aqu mag aasikaso ng unpaid balance ng asawa qu tapos nasa abroad asawa qu ano ba dapat qung dalhin na documents na dapat present at mag babayad muna ba ng monthly contribution before namin maayos o dapat i activate qu muna ??salamat

    1. pinoyinvestorstambayan says:

      Mainam po na ma confirm nyo ito sa SSS mismo, pero pag kaka alam po namin as long as na sa inyo po ang SSS number ng asawa nyo ay maari naman pong itong bayaran ng kamag anak, pero mas mainam na po siguro na siguraduhin nyo na din sa SSS.

  8. after april po ba wla na uling restructing

    1. mag hihintay po ulit ng announcement from SSS : )

  9. Hector ogatis says:

    Hi maam.gud day…maka avail po ba ako ng ganyan program ng sss .pero hindi ako sakop ng kahit anong kalamidad.gusto ko lang na mabawasan ang penalty ng loan ko mahigit na 13 yts hindi ko binayaran ang loan..pero tuloy pa rin ang hulog ko as a member

    1. kailangan po ay sakop kayo don sa mga nabanggit po ng SSS na ubrang mag apply ng SSS Loan restructuring

      1. Mam emergency loan 5k last 10 year’s na po Pdi ba mag apply ng LRP

    2. Hector Ogatis says:

      Can i send my special power of attorney (SPA) thru email..thanks

      1. Sir, i mean send it through an ordinary mail not email because you have to personally signed the said document : )

  10. Eddie lipura says:

    Tanong ko lng po,, kasi may educational loan po ako sa sss,, tapus after graduation po ng abroad po ako,, at hanggang ngayon po ay nasa abroad parin ako,,at uuwi ako ngayong sept this year,, pwedi ba pag uwi ko nalang huhulugan yung contribution ko,maka avail pa ba ako ng restructing?

    1. hanggang April 2017 na lang po yong SSS Loan Restructuring, maari nyo naman po paasikaso ito sa kamag anak nyo sa Pinas, basta po maibgay po nila yong SSS number nyo.

  11. pascual lopez says:

    Mag retire na aq this april, pero me calamity loan aq na 5k, pwede ba dun na lang ibawas sa makukuha kong unang monthly pension ang utang ko?

    1. base po don sa youtube video na sinabi ng tiga SSS, maaring ganon na po yata gagawin pag mag pension na po kayo at meron po kayong naiwan na SSS salary loan

  12. Eddie lipura says:

    Tanong ko lng po kung ano po ba ang requirements na dalhin sa sss office pag mg apply ng restructuring loan,,kasi po nandito po ako sa abroad at kamag anak ko po sa pinas ang mg asikaso, salamat

  13. Karen Ortega sacayan says:

    Goodnoon po Mam! Ask Lang po regarding sa contribution if ilang months bago maka loan? Kc nag 10yrs Na Ako Pero 2 yrs Na Hindi mi nag rim it ng contribution,,thanks po..

    1. maganda po i-verify nyo lang po ito direkta sa SSS branch nearest po sa inyo, malalaman nyo po if ubra po kayo under Self-Employed scheme

  14. Haji Espaldon says:

    Good day po, mag 10 years na po di ko nabayaran yung loan ko, pero tuloy naman po ang hulog ko sa contribution. Pwede ko po ba ma avail yung restructuring program? Salamat.

    1. basta po pasok po kayo don sa qualification na uubra sa SSS Loan Restructuring Program, uubra po naman, mas maganda po na mag punta po kayo sa nearest SSS branch or kaya naman po ay kung nag aabroad kayo ay puede nyo po ito ipa kisuyo sa inyong mga kamag anak, basta alam po nila yong SSS number nyo

  15. John j. Potenciano says:

    Good day po.ang loan po ng asawa ko ay 2007 pa po ata at hndi pa po nbayaran hanggang ngayn.pwede pa ba i reconstruct yun?salamat

    1. opo basta po pasok po sa program ng SSS Loan restructuring, masa mainam po na pumuna po kayo sa nearest SSS branch, ibigay nyo po SSS number ng asawa nyo at pa check nyo po yong current loan amount na kailangan po i-settle ng asawa nyo, puede naman po na kayo ang mag asikaso nito, in-behalf po ng asawa nyo.

  16. melvin valila barce says:

    Mam good day po isa aq ofw bago po aq maf ibang bansa may loan po aq sss.3year n po simula ngeun di q nbabayaran ang loan q pasuk po b aq sa restructuring? Thanks po

    1. basta po sakop po kayo nong mga nabanggit na qualifications para masakop ng SSS Loan Restructuring program. Naka lagay po don sa poster ng SSS : )

  17. Maria Rosalie O. Balabaran says:

    Gud pm. Maam / sir , may utang po ako 2016 pa, pwd ko pa ba un marestructure? Papaano po ba namin malalaman kung magkano ang balance namin

    1. punta po kayo sa nearest SSS Branch at sasabihin po nila kung magkano na po yong outstanding Loan balance nyo : ) as of the current date

  18. Junelito s oga says:

    Maam ako po ay may loan na hindi nababayaran since 2000 piro active parin ako ngayon dahil m work pa ako paano ba mag apply ng restructuring loan po.

    1. punta lang po kayo sa any branch ng SSS para ma assist po kayo sa pag apply ng SSS Loan Restructuring, pa print nyo kung magkano na po umabot ang inyong naging loan : )

  19. Maria teresa tatad says:

    Ask ko lng if full payment mabayaran ko un amount sa ina aaplayan ko na restructuring program…kailan ako pwd mag reloan uli sa salary loan..may work ko ako ngaun at updated ko ang contribution ko ngaun

    1. pinoyinvestorstambayan says:

      Sabi po ng SSS pag na full payment ang Salary Loan ay you are again entitled po sa lahat ng benefits ng SSS at pati na po ang pag loan ulit : ).

    1. puede nyo po pa utos sa mga relative nyo, requirement lang po is Special-Power-of-Attorney (SPA)

  20. Hi po ask ko lng po paano po pag nakalimutan ung #SSS at nawala den ung card ano po gagawin?

    1. Mam, pag po nagpunta kayo in any SSS branch, may database naman po sila na puedeng ma verify sa kanilang system, at least mabigay nyo po full name, ate at date of birth.

  21. Gud day gusto ko po magaply sss loan restructuring pero nandito ako sa ibang bansa paano po gagawin ko

    1. Sir puede nyo po i-utos ang paglalakad nito sa relative nyo, kailangan nyo lang po ng SPA, nadito na po sa article yong SPA (Special Power of Attorney), idownload at i-print nyo lang po, tapos fill-up nyo lang po at mail nyo po sa relative nyo at sila na po mag pa notaryo sa Pinas.

  22. Sir may satellite office po ba tayo dito sa Iligan City? Ang dami kasing tao sa SSS araw araw para hindi na ma accommodate ng mga employee ng SSS. Nakawalang ganang pumunta. Pwde ba magbiyan ng solusyon or alternative man lang. thanks

    1. Location Address: Frewill Bldg., Tibanga Highway, San Miguel, Iligan City, Lanao Del Norte
      Telephone No. (063) 221-5248, 221-5374, 221-6179, 221-2988, Fax Nos. (063) 221-2932
      Officer-in-Charge: Cheryl V. Jariol
      Email Address: iligan@sss.gov.ph

  23. Purihin ang Diyos, ako ay Abou El Magd sa pangalan. Gusto kong gamitin ang daluyan na ito upang alertuhan ang lahat ng mga naghahanap ng pautang upang maging maingat dahil may mga pandaraya sa lahat ng dako Ilang buwan sa likod ako ay pinansiyal na pilit at dahil sa aking kawalan ng pag-asa ako ay ginulangan ng maraming lenders online. Halos nawala ako ng pag-asa hangga’t tinutukoy ako ng isang kaibigan sa isang napaka-maaasahang tagapagpahiram na may pangalang Alden Moore loan company na ipinahiram sa akin ng isang hindi secure na pautang ng 100,000 dirham sa loob ng 10 oras nang walang anumang stress. Kung ikaw ay nangangailangan ng anumang uri ng pautang makipag-ugnay sa kanya ngayon sa pamamagitan ng: (aldenmooresloanfirm@gmail.com) Ginagamit ko ang daluyan na ito upang alertuhan ang lahat ng mga naghahanap ng utang dahil sa impiyerno na ginugol ko sa mga kamay ng mga mapanlinlang na nagpapahiram
    Gantimpala tayo ni Allah at oo ang ahente.

Leave a Reply