financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Aspetong pinansyal ng OFW

 

Ilang taon na akong OFW, siguro kumpara sa iba ay medyo maiksi pa yong karanasan kong sa pagiging OFW, mga higit’t kumulang 6 na taon. Pero dahil sa ‘internet’, sa facebook at sa mga kapwa kakilalang mga pinoy OFW ay medyo napag aalaman ko kahit paano ang mga kwento sa buhay ng ilan natin mga kababayan na kapwa din na nag tratrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo.

Eto ang mga karamihan sa pare-parehong aspeto ng mga kalagayan ng ating mga kababayang nag tratrabaho sa ibang bansa.

1. Bakit kahit anong laki ng sweldo natin sa ibang bansa, pag tayo ay nag papadala para sa ating pamilya ay kulang pa din?

2. Bakit hindi kami mag ka unawaan ng aking pamilya (asawa, anak at ibang kamag-anak) pag dating sa aspetong pinansyal, at madalas ako ang nag sasakripisyo upang mabigay lamang ang kanilang pangaingailangan?

3. Parati na lang may hinanakit sa damdamin sa tuwing daingan ng mga gastusin?

4. Bakit hindi ako maka ipon kahit gustuhin oh simulan ko? at sa bandang huli ay nauwi pa din sa magagastos ko ang aking konting natabi?

5. Paano ko ba mababago ang pag-iisip ng aking pamilya tungkol sa aspetong pinansyal?

Ito ay marahil ilan lamang sa mga ilang mabigat na katanungan at hinaing ng ating mga kababayang OFW.

Marahil ay meron kayong gustong idagdag sa mga ito.

Sa mga susunod na artikulo ay isa-sahin natin ang mga ito at pag aralan na mabuti kung ano ang rason sa likod ng mga ito at kung paano ba natin ito puede ma solusyunan?

Leave a Reply