financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Bago may nag labasan na mga networking ‘business’ daw, totoo ba yon?

networking business“Ang nasulat ko sa artikulo dito ay sariling opinyon po – FAB”

Matagal na talagang may mga tinatawag na  ‘networking business’ pero hindi lang kasing dami o talagang naglabasan pa noong mga 1970’s, pero  parang may mga iilan na din na ganitong uri o tawag  ng kumpanya na parang nakikilala na noong mga  1980’s. Pero nag simulang mag labasan at talagang  nalaman na ng maraming tao ito ay nong 1990’s. Mas naunang kumalat ito sa Amerika dahil  sila ang parating una sa ‘innovation’ or at mga bagong ‘idea’ ng mga makabagong kalakaran sa mga ibat-ibang industriya ng negosyo.

Base sa aking mga natutunan ko sa pag sama sa mga iba’t-ibang nasamahan at nasalihan na networking na kumpanya ay madalas ay ang kanilang sentro ng aktibidades ay ang ‘sales’ ng kanilang produkto at ang pag ‘engganyo’ sa mga puede nilang ma ‘recruite’ o masama sa kanilang negosyo. Wala naman talagang masama sa ‘networking business’ basta tama, maka buluhan, ‘ethical’ at walang pandaraya sa produkto at sa pakikipag ‘deal’ sa kalakaran ng negosyo.

Kung iisipin natin ay ang mga kumpanya tulad ng ‘Avon’, ‘Natasha’ at local na negosyo na tulad ng ‘Marikina Shoe Exchange or MSE’ ay mga halimbawa ng konting may pagka ‘networking business’ na negosyo ang ‘structure’, ngunit masasabi natin na maayos naman ang kalakaran ng kanilang negosyo at produkto.

Meron kasing ibang mga ‘networking company’ o negosyo na sa tingin ko ay kaya napapa sama ang takbo ay siguro dahil na aabuso ang sistema at isa na dyan ay tulad ng nasosobrahan oh mas nilalaan ang sa pag ‘recruit’ oh maisasama sa negosyo na ito,  at nawawala ang atensyon sa tamang proseso na dapat sinusunod ng maayos.

Kahit nga sa hindi isang ‘networking business’, tulad lamang ng mga ahente sa ‘Real Estate’ ay meron akong napanood na dokumentaryo sa telebisyon na kung saan ang daming na ialok at ‘pre-sales’ na mga ‘unit’ ng bahay sa isang bagong tayong na ginagawa at ‘dine-develope’ pa lamang na ‘subdivision’, ngunit mas madami at napadami ang mga ‘pre-sales buyer’ at ang mga ito ay nakapag bigay na ng mga ‘down payment’ at ang iba ay ilang buwan na din nasimulan ang mga hulog. Ngunit malaunan ay hindi pa pala sapat ang mga bilang ng bahay na naitatayo na dapat tumugma sa mga naialok na ng mga ahente. Ang punto dito ay parang ‘Over Selling’ oh nawala na yong ‘quality’ at ‘control’ ng tamang pag hawak sa negosyo, kaya ang resulta ay hindi maayos.

Sa aking obserbasyon madami talaga ang ang namamali na ng ‘practices’ pag sa isang ‘networking business’ ay nasisilaw na lamang sa pera ang mga gumagawa nito, at minsan dahil sa laki na ng kanilang grupo o ‘network’, ay nadyan na napapabayaan na din at hindi na talaga ma ‘monitor’ ng maayos ng mga nauna at na sa taas na.

Ngunit naniniwala din ako na kapag ang isang kumpanya ay sa simula pa lamang at ang pinaka produkto at prinsipyo ay ang sinserong pag tulong ang kanyang layunin sa negosyo at lalo na ang kanyang produkto ay talagang totoo at makabuluhan, kahit lumaki at dumami ang mga makakasama dito ay kahit may mga pag subok, ay sa bandang huli ay mangingibabaw pa din at lalabas pa din ang maganda at totoong ‘purpose’ ng kanilang negosyo at ito ay mag tatagal at lalo pang lalawak.

Hindi lahat ng tao ay naka linya sa ganitong klase ng pag nenegosyo, kaya pina payo din na alamin mo sa sarili mo kung ikaw ba ay para ba talaga dito. Sundin mo ang iyong puso at isip at hindi dahil lamang sa sentro ng iyong gagawin ay pera lamang. Kung alam mo sa sarili mo na talagang ikaw ay makakatulong at sa puso mo ay ito ang gusto mong gawin sa buhay, ay mahalang dapat pag isipan mo ito ng mabuti at pag aralan ng husto lalo na ang ‘networking business’ na pina pasok mo. At sa huli ay ikaw pa din makaka pag sabi kung tama ang iyong nasamahan na ‘networking business’ at nakikita mo ang kinabukasan mo na maayos dito.

Leave a Reply