financial freedomfinancial literacymodusofwpinoy investorpinoy investorsscam

Bakit mabilis pumatol ang Pinoy sa Scam ? (Rent-Sangla Modus)

Paulit ulit na lang na balita na nakaka lungkot na madami na naman ang naloko sa isang Scam or Modus, at nitong nakaraang linggo lumabas itong balita ng isang Rent-Sangla Modus o Scam na kung saan ayon sa balita ng ABS-CBN TV Patrol ay may mahigit 350++ sasakyan at mga may ari-nito na naloko na nag kaka halaga (ayon ulit sa balita) na estimate na aabot sa Php 90,000,000.00 (million) na pera ang natangay ng grupo na nasa likod ng modus na ito.

Bakit nga natutulak na pumatol sa Scam ang karamihan sa ating mga kababayang Pinoy, siguro ay ibigay na natin ang mga ilang mga ‘common’ na dahilan:

  • Gusto nila ng mas mabilis na kita.
  • Mas mabilis na kita na hindi kailangan ng effort.
  • Kakulangan sa kaalaman sa usapang pinansyal (Financial Literacy)
  • Maling paniniwala tungkol sa investment o pag nenegosyo
  • Kakulangan sa pag sisikap na mag ‘research’ at pag aralan ang isang bagay bago ito pasukin.

Ang maipapayo po natin bago tayo pumasok sa isang investment o pag nenegosyo ay siguro ‘at least’ ay ang mga simpleng bagay tulad ng mga na sa baba:

  • Huwag pairalin agad ang ’emosyon’ sa pag ‘decide’ sa pag pasok sa negosyo at huminga muna ng malalim at hayaang humupaw muna ang emosyon at pag isipan ng mabuti.
  • Bigyan ng panahon ang sarili na makapag isip ng mabuti.
  • Pag aralan muna mabuti ang pinapasok ng investment at nadyan naman ang internet upang ikaw ay makapag ‘research’ or makapag saliksik ng mabuti.
  • Humingi o komonsulta (sa mga tamang tao) na may mga matagal ng experience sa investment or negosyong iyong papasukin.
  • Huwag papasukin ang isang ‘endeavor’ na ‘Pera’ lang ang dahilan, mas mainam na naka linya sa iyong talento at ‘Passion’ ang iyong papasukin na negosyong pinapasok.

Ito lamang ang ilang mga puntos na kahit paano ay maipapayo sa inyo bago kayo pumasok sa isang negosyo or investment, ngunit madami pa din bagay na dapat kayong isipin at gawin na mabuti, ngunit kahit paano ay ito naway makatulong na din sa ating mga kababayan na nag babasa ng article na ito.

Leave a Reply