financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Bakit mahalaga ang ‘Insurance’ at bakit parte ito ng ‘Financial Literacy’

Insurance

Talagang kasama sa itinuturo ng kahit sino man ang kahalagahaan ng ‘Insurance’ sa ‘Financial Literacy’ na kung saan ay talagang na ‘advise’ namin na kung gusto mong umasenso sa buhay at maging maayos ang iyong buhay na pinansyal ay isa ito sa dapat mo munang maasikaso o kaya ay meron ka bago mo masimulan ang mag ‘invest’ or pumasok sa negosyo’.

Maaring iba-iba tayo ng situasyon sa buhay, yong iba ‘single’ pa lang at yong iba ay may pamilya na, at maaring iba din ang klase ng insurance na kukunin ko depende sa kung ano na ang situasyon mo sa buhay.

Bakit nga ba mahalaga ang ‘Insurance’, una sa lahat ay sa ating buhay lalo na kung may pamilya ka at may malaki kang responsibilidad sa kanila at lalong-lalo na kung ikaw lamang ang inaasahan ng iyong pamilya ay sobrang nakakahalaga ng insurance.

Isipin mo na lamang kung biglang may mangyari sayo na hindi inaasahan na ayaw mo din naman mangyari tulad ng biglaang pag kamatay sa aksidente, biglaang pag kaka sakit at pag papa hospital, biglaang sakuna oh trahedya na talagang hindi maiwasan. Paano na lamang ang maiiwan mong mahal sa buhay kung ala ka mang lang kahit paano na maiwan sa kanila na maipag patuloy nila ang kanilang buhay lalo na sa usaping na pang pinansyal.

Ang layunin ng ‘Insurance’ ay upang sa mga pangyayaring may mangyari sayo na hindi maiiwasan, tulad ng pag kamatay o pag ka hospital ay kahit paano may mahuhugot at makakatulong sa mga mahal mo sa buhay na pag kuhanan sila sa mga ganong pagkakataon.

Maaring hindi natin masasabi na yong ‘Insurance’ na maiiwan mo sa kanila ay magiging kapalit na ng naiwan mong obligasyon pang pinansyal sa kanilang pang habang buhay, pero kahit naman paano, kung ano man mangyari sayo, yong ‘Insurance’ na iyon ang puede nilang magamit na maka buwelo sila sa buhay sa oras ng biglaan mong pag kawala.

Napaka simple lang ng ‘Purpose’ o Layunin ng ‘Insurance’ at iyon ay upang hindi maging pabigat sa mga mahal mo sa buhay ang bigla mong pag kawala sa kanila.

Isipin na lang natin, kung nakaka gastos nga tayo sa mga bagay na minsan sobra-sobra na lang at hindi naman mahalaga, ay bakit hindi din natin pahalagahaan ang pag kuha ng ‘Insurance’ na para naman sa kapakanan ng ating mga mahal sa buhay.

May mga ‘Insurance’ naman ngayon na inaalok ang mga ‘Insurance Company’ na kung sakaling hindi mo magamit ay parang ipon mo lang sya at makukuha mo yong mga nahulog mo sa takdang panahon. Meron din ‘Insurance’ na habang hinuhulugan mo ay parang ‘Investment’ din sya na sa takdang panahon ng iyong pag huhulog at hindi mo nagamit ay makukuha mo lahat ng naihulog mo at kasama na ding ang kinita ng hulog mo.

Maganda din ang mga ganitong mga uri ng ‘Insurance’ dahil hindi lang talagang ‘Insurance’ ang layunin nito kung hindi para makapag ipon ka din at sa mga may konting ‘Investment Side’ ay para lalong lumago ang pa yong perang tinabi mo.

Pinapayo lang din na huwag basta-basta kukuha ng ‘Insurance’ sa hindi matatag at kilalang mga ‘Insurance Company’ na hindi ka sigurado oh may pag aalinlangan. Pag aralan muna mabuti at i-‘Research’ muna ng mabuti at mag tanong-tanong sa iba. Pero siguraduhin nyo na ang pag tatanungan nyo ay yong may alam oh mas maganda yong nakakuha na din ng ‘Insurance’ sa parehong ‘Insurance Company’. Dahil may ‘Internet’ na ngayon, mas madaling mag ‘Research’ muna kayo sa ‘Internet’ at pag aralan nyo muna mabuti. Magandang kung may mag alok sa inyong ‘Insurance Agent’ ay pag aralan nyo muna mabuti yong ‘Insurance Offer’ nya at huwag yong basta-basta kukuha na agad. Kahit na maganda ang layunin ng iyong ‘Insurance Agent’ ay pag aralan mo din muna ng maayos, unang-una yong ‘Insurance Company’ at yong kalalagayan mong pang pinansyal.

 

Leave a Reply