financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Bilang OFW ano ba ang direktang apekto sa atin ng nangyayaring eleksyon sa ating bayan na Pilipinas

Sigurado ako na bilang mga OFW ay marami sa inyo ang nakaka sagap ng balita na nangyayari sa ating bansa sa pamamagitan ng iba’t-ibang ‘medium’ sa ‘Internet’, tulad ng ‘Social Media (Facebook, Instagram, Google+) at mga ‘messaging app’ na tulad ng ‘Viber, WhatsApp’ ang kung ano-ano pa.

Pero natanong mo ba sa sarili mo kung paano ka ba makikinabang o direktang maapektuhan ng nagiging resulta ng eleksyon sa Pilipinas.

Oo ‘indirect’ siguro naapektuhan tayo ng mga nagiging resulta ng eleksyon at kaguluhan sa politika na nangyayari sa ating bayan, pero sa malamang at sa sigurado ako na hindi direkta ang apekto nito sayo bilang isang OFW. Liban na lamang sa mga kaso ng mga OFW na nababalita ang mga nagiging sitwasyon at ito ay nabibigyan ng atensyon ng ‘media’ at nakakarating sa mga kinauukulan at opisyales ng gobyerno na kung saan direktang apektado ang kanilang aksyon patungkol sa iyong situasyon. Pero sa mas madaming OFW ang ala naman sa mga ganitong sitwasyon at kalalagayan at mas marami ang abala lamang sa kanilang pag tratrabaho at pag intindi sa kani-kanilang mga pamilya.

Sa eleksyon ng pag babago ng president ng ating bansa ay kahit siguro may bago ng maupo na pangulo at kahit na may mga programa sya at mga batas na maipasa na makakatulong sa ating mga OFW, ngunit hindi siguro ganon kabilis na makaka apekto ito sa isang indibidual na OFW sa mabilisang panahon.

Tama naman na dapat ang mga nahahalal na mga bagong opisyal ng ating gobyerno ay dapat iniisip din ang mga bagay (tulad ng mga batas o polisiya) na makakatulong sa ating mga OFW, pero ngunit sa malakihang pangangalaga at kapakanan ng milyon-milyon na OFW ay humahantong pa din sa dapat ang bawat isang OFW ay mag sumikap pa din sa abot ng ating makakaya ang matulungan natin ang ating mga sarili para na din sa kapakanan ng ating pamilya.

Aminin man natin o hindi ay malalim ang naging sugat at epekto ng mga nakaraang mga pinag daanan ng ating bayan sa iba’t-ibang madidilim ng parte ng ating kasaysayan. Walang perpektong bansa at maswerte lamang ang ibang mga tinatawag na ‘1st World Country’ na kahit paano kung ating pag aaralan din ang kanilang naging kasaysayan ay dumaan din sila sa madilim na mga pangyayari sa kanilang bansa at natuto na lamang at nagawang ibangon ang kanilang bansa.

Ngunit ang ating bansang Pilipinas ay malungkot man isipin ay parang ‘roller-coaster’ pa din ang ating kinalalagyan sa mga pa bago-bagong pamunuan na namumuno ng ating pamahalaan. At meron mga nakaraang presidente na talagang nag sumikap na iangat ang ekonomiya ng ating bansa ngunit may mga pangyayari din sa ibang parte ng mundo na sadya bang nakaka apekto din sa kalagayan ng ating bansa.

Ang pinaka punto siguro natin sa artikulo na ito ay kahit na may paki alam tayo sa mga nangyayari sa ating bansa ay sa bandang huli ay dapat din natin paka isipin na hindi agaran ang apekto ng kung ano man ang magiging palakad ng isang bagong mahalal na president at mga opisyales ng ating gobyerno. Kailangan pa din na tayo muna sa ating sarili ang unang umisip ng mga paraan na paanong direkta na matutulungan natin ang ating mga sarili lalo na ang ating pamilya upang ma-iahon natin ang sarili sa ating pag susumikap na maibigay ang nararapat sa ating pamilya.

Huwag nating i-asa lamang sa gobyerno ang ating pag asenso sa buhay at bagkus kahit sa anong panahon at kahit sinong mahalal na bagong opisyales ng ating pamahalaan ay paka isipin natin na kailangan na tulungan muna natin ang mga sarili at ng sa ganon ay pag dumating na yong pag kakataon na mararamdaman natin yong mga ‘indirect’ na epekto ng mga programa at mga batas na makakatulong sa ating bilang isang OFW ay handa na tayo at ating itong talagang mapapakinabangan.

Leave a Reply