financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Bilang OFW, ano ba mga option para maka-uwi pero kahit paano kayanin pa din ang obligasyon sa pamilya

Mahirap ang maging isang OFW nadyan na natatali ka na sa mga obligasyon mo sa iyong lumalaking gastos ng iyong pamilya. May alam ako na nasabi nila sa kanilang sarili na titiisin lang daw muna nila ang malayo sa pamilya upang makapag ipon ng pang aral sa kanilang mga anak, yong iba para lang daw mapagawa ang kanilang bahay, yong iba ay para lang mairaos yong kinakapos na kinikita nila nong sa Pilipinas pa sila nag tratrabaho. Pero hindi nyo ba napapansin, ang nangyayari lamang ay lumalaki lang ng lumalaki yong obligasyon mo bilang OFW at minsan lumalawak pa ng hindi lang sa iyong sariling pamilya kung hindi pati na din sa ‘extended family’ (mga kapatid, magulang at kapatid ng asawa mo at sa iba pa). Minsan pa nga eh wala ka pang asawa ng ikaw ay palarin makapag trabaho sa ibang bansa at maging isang OFW ay nadyan na malaki na ang obligasyon mo sa mga anak ng kapatid mong may mga asawa na. Na nag simula lamang sa iyong pag mamalasakit na makatulong sa kanilang mga anak ngunit malaunan ay naging isang malaking obligasyon mo na, na tila ba parang anak  mo na talaga. Ang hirap ay minsan yong tinutulungan mong kapatid mo na may asawa, kung sino pa yong hirap sa buhay ay malaunan ay mag aanak pa ng madami at sunod-sunod pa ang pag bubuntis. May mga OFW din na dahil sa mga may matatanda at may sakit silang magulang at minsan ay mga anak, ay masama man ang loob at gusto man ng kalooban na umuwi na sila dahil sabik na sabik na sila sa makasama ang kanilang pamilya, ay napipilitan na lamang mag patuloy pa sa kanilang pag tratrabaho sa ibang bansa bilang isang OFW.

At saan nauuwi minsan ang kwento ng ganitong buhay ng isang OFW kung hindi sa umuuwi na lamang sila na matanda at may sakit na, at napilitan na lamang umuwi dahil talagang hindi ubrang mag trabaho, na halos buong buhay nila ay hindi nila nakasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang ibang may pamilya, nag kaka hiwalay dahil sa dami ng masasamang isip at mapag samantalang tao sa ating bayan (ng dahil sa kahirapan) at dahil din sa produkto ng isang makabagong lipunan ay nadyan na ang naiwang asawa ay nagkaron na ng ibang napag balingan ng atensyon at nauuwi sa hiwalayan at pag ka watak ng pamilya. Minsan naman ay ang mga anak na hindi nasubaybayan ng kanilang magulang na nangibang bansa ay nauuwi din sa maagang pag aasawa at minsan masama pa ay nalululong sa pinag babawal na mga bisyo at nasasama sa hindi maayos na mga barkada.

Oo na habang nag tratrabaho ang isang OFW ay makakaranas ng ginhawa ang kanyang pamilya ngunit siguro dapat natin itanim sa isip natin na ang ang mga bagay na nabanggit ko sa aking kwento ng masasamang pangyayari sa mga OFW ang dapat na mag udyok at mag bigay ng disiplina at determinasyon sa atin upang makapag isip at maka gawa tayo ng paraan upang huwag na tayong mauwi pa sa malungkot na kwento ng isang OFW.

Bakit hindi natin gawin na habang hindi pa huli ay mag sakripisyo na tayong gawin at mag isip ng paraan, kahit na tayo ay madapa, matalisod at sa umpisa ay mahirap na magawan ng paraan na maka isip tayo ng mabuting bagay na makaka alis na tayo sa situasyon na ayaw natin.

Oo, ito ay dapat mag simula sa ating mga isipan at damdamin.

Huwag maging ‘Relax’ at makuntento sa ‘Comfort Zone’ na nararanasan mo ngayon dahil malaunan ay ang resulta nito ay mas mabigat na kapalit ng iyong hindi pag gawa ng paraan ng habang mas maaga sa iyong situasyon.

Hindi din ako makakapag payo kung ano ang dapat mong simulan at pasukin dahil tanging ikaw lamang sa sarili mo ang nakaka alam sa iyong kakayahan at puwedeng gawin.

Ngunit maipapayo ko lang na sana ay maging determinasyon mo ang isipin na huwag mangyari sayo ang malungkot na mga kwento ko sa isang OFW ang makapag udyok sa iyo upang ikaw ay may masimulan at madisiplinang gawin ang pangarap mo sa buhay na makasama muli ang iyong pamilya ng hindi na kinakailangan pang lumayo sa kanila.

Leave a Reply