financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Bilang OFW I-update ko ba ang Pag-IBIG, SSS at Philhealth ko at maganda ba na yong pinaka malaking hulog ang gawin ko

Topic: Bilang OFW I-update ko ba ang Pag-IBIG, SSS at Philhealth ko at maganda ba na yong pinaka malaking hulog ang gawin ko.

Kung ikaw ay nag tratrabaho sa Pinas, mandatory ang Pag-IBIG, SSS at Philhealth na kung saan kinakaltas na ito agad sa sweldo mo, kahit na ito ay ‘mandatory’ sa isang OFW ay ikaw pa din mismo ang dapat mag hulog ng Pag-IBIG at SSS mo at hindi ‘automatic’ na kinakaltas sa sweldo mo.

Pero kung ikaw ay ‘Self-Employed’ o isang OFW ikaw ang mag dedesisyon kung gaano kalaki ang dapat mong ihulog sa Pag-IBIG at SSS, at karamihan siguro sa mga tanong at parati mong iniisip ay kung gaano ba ka kalaki ang dapat na ihulog ko sa mga ito?

Siguro ang una mong alamin ay ang kapasidad mong kayang gawin sa pag huhulog ng kontribusyon mo. Dahil meron ibang OFW na malaki ang sweldo kaya hindi mabigat sa kanila ang kahit na pinaka malaking kontribusyon na gawin nila sa kanilang Pag-IBIG at SSS. Pero maniniwala ba kayong kahit na malalaking sweldo ng isang OFW ay hindi pa din magawang makapag hulog sa Pag-IBIG at SSS, dahil may ibang OFW na ang kanilang ‘lifestyle’ ay sumusunod din sa kanilang kinikita na kung saan dahil sa laki ng sweldo ay ang daming bayarin, hinuhulugan (condo,bahay o sasakyan) at iba pang pinakaka gastusan na wala na talagang matitira na pang hulog sa Pag-IBIG at SSS. At dahil nga hindi naman ito ‘automatic’ na kinakaltas sa sweldo ay nadyan na at madalas mga OFW ay hindi na din nakakapag hulog ng kanilang kontribusyon sa Pag-IBIG, SSS at Philhealth.

Kung iisipin malaking tulong po talaga ang kahit paano ay nakaka pag hulog kayo sa Pag-IBIG, SSS at Philhealh, hindi po ba, kahit na siguro meron ka ng sariling ‘Pension’, ‘Life-Insurance’ at mga ‘Mutual Funds’ at ‘Stocks’ay mas maganda pa din talaga na mas madami kang pinag iipunan at nasusubi na mga ipon ay mas malaking tulong ito para sa iyo balang araw.

Pero oo alam ko iniisip mo at alam ko din na madaling sabihin ngunit na sa pag kakataon na nasa sitwasyon tayo na pag may mga problemang pinsyal tayo sa ating pamilya lalo na ay maiisip mo pa bang mahulugan ang mga ito. Totoong hindi sa lahat ng pag kakataon ay maluwag tayo sa pera at may sobrang kinikita at mas madalas pa nga yata na kapos pa.

Alam ko ang nararamdaman at inisiip mo dahil ako bilang isang OFW ay na sa ganyan din na situasyon. Sabihin na natin na sa ngayon ay gipit din ako sa kinikita ko at hindi ko din ma-‘update’ ang kontribusyon ko sa SSS, Pag-IBIG at Philhealth. Dahil na din sa mga obligasyon na mga pang pinansyal na minsan talagang bigla na lamang darating na hindi mo inaasahan. Yon tipo bang pataas ng pataas ang bayad oh upa mo sa bahay na binabayaran mo, yong lumalaking ‘Tuition Fee’ ng mga anak mo, biglaang pag kaka sakit at minsan may na ospital pang ka pamilya, hindi na nga naka hulog sa kontribusyon ay naka utang pa sa ibang tao o kaya ay ‘cash advance’ sa ‘loan’ sa banko.

Ang hirap di ba?

Pero ako din ay minsan napapa isip, sa ayaw at gusto natin tatanda tayo, darating tayo sa puntong tayo din ay mangaingailangan ng ating pinansyal na tulong sa oras na tayo ay retirado na at wala ng ibang pinag kaka kitaan. Pa ulit-ulit ko talagang babanggitin na hindi talaga mauubos ang responsibilidad na naka patong sa atin bilang mga OFW na nag tratrabaho para sa ating pamilya.

Ang aking maipapayo, ay una siguro ay ang pananalig sa ating may-likha na bigyan tayo ng lakas at kapanatagan ng loob sa ating ginagawa sa buhay lalo na bilang OFW na tayo ay malayo sa ating pamilya.

Pangalawa ay ang pag sumikapan natin na mag karon tayo ng ‘FOCUS’ kung ano talaga ang dapat natin unahin sa ating mga prioridad sa ating mga pinansyal na situasyon, na kung may magagawa tayong paraan na maging praktikal lamang tayo at mag karon ng simpleng pamumuhay ay mamumulat tayo na meron pala tayong konting kahit paano na maitatabi na ating mailalalaan pa sa ating pandagdag sa ating ipon at pambayad sa kontribusyon natin sa Pag-IBIG, SSS at Philhealth.

Kung iisipin kahit saan natin tingnan, mas maganda talaga at malaking tulong sa atin kung ma disiplina natin ang ating sarili na ma-‘update’ natin ang ating kontribusyon sa SSS, Pag-IBIG at Philhealth at ito ay sa pamamagitan ng ating pag ‘PRIORITY’ at pag ‘BALANSE’ sa ating pinansyal na kalalagayan.

Huwag kang mag alala, hindi lang ikaw ang may na sa situasyon na hirap sa ganitong bagay, madami ang na sa ganitong situasyon, ngunit ang pag kakaiba mo lang sa ngayon ay kung mag kakaroon ka ng ‘MINDSET’ na positibo at tamang direksyon sa iyong buhay ang magiging sandata mo upang masunod mo ang mga bagay na ito.

Leave a Reply