financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Bili ba ako bagong Cellphone sa 13 month bonus ko?

RICH

 

Ang ‘cellphone’ na ito (Nokia N95) ay nag kaka halaga ng Php 40,000.00 noong 2010. Madaming tao ang bumili nito kahit mahal, hindi dahil sa kailangan nila kung hindi mas madami ang gusto lamang masabi na meron sila na mamahalin na ‘cellphone’ at syempre pang porma, ngunit meron din naman na talagang kailangan ang mga ‘functions’ na meron ito, lalo na siguro kung isa kang negosyante na makakatulong ito sa iyo. At meron din naman na kaya bumili nito ay para lang meron silang bagong ‘cellphone’ na regalo nila sa kanilang sarili dahil pasok daw.

Pagkaraan ng anim (6) na taon ang ‘cellphone’ na ito ay halos wala ng halaga.

Kung nilagay nila sa ‘investment’ ang kanilang natanggap na ’13th month bonus’ or sinimulan nila sa isang maliit negosyo, maaring may posibilidad na yumaman na sila ngayon at mas kaya mo pang bumili ng mas modelong ‘cellphone’ na meron ngayon.

Aral: Kung meron kang sobrang pera at kita, huwag mong bilhin sa mga bahay na bumababa ang kanyang halaga o ‘value’ (depreciating value). Kung ibibili mo sya lamang nga mga bagong ‘gadget’ tulad ng ‘Galaxy Note 5’ or ‘iPhone6’ na nag lalaro din sa halagang Php 40,000.00, maaring ang ‘cellphone’ o ‘gadget’ na ito ay walang ng halaga sa darating na anim (6) o sampu (10) taon. Isa itong dahilan na magiging mahirap ka at pinayaman mo lamang ang ‘Samsung’ o ‘Apple’. Mag mumukha kang sosyal pero wala ka naman pera.

May bago ka ngang ‘gadget’ or ‘cellphone’ pero ala ka naman ipon.

 

Leave a Reply