financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Busy ka ba talaga?

Sa panahon na ito, lalo pa at nauso ang ‘cellphone’ lalo na ang mga ‘smartphone’ na kung saan ay talagang ‘engage’ or parati kang updated sa mga kaibigan, kakalase, ka opisina, kamag anak at kung kani-kanino pa dahil sa mga ‘social networking site’ at ‘applications’ tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, Pinterest etc. etc., ay minsan hindi ka siguro mag ka ugaga na sumagot at mag lagay ng iyong ‘social status update’.

Nadyan pang may mga kailangan ka din asikasuhin na mga nakalaang ‘tasks’ sa bahay na pang araw-araw mong gawain at ‘routine’, at nadyan din na kung ikaw ay nag tratrabaho ay may mga kailangan kang tapusin na mga ‘work tasks’ o kaya ay ‘project deadline’ na kailangan ma ‘submit’.

At kung ikaw naman ay estudyante ay mga ‘assignment’ at preparasyon sa pag susulit na papa lapit at ibat-ibang aktibidades sa eskuwelahan ng iyong mga kaklase.

Nadyan din ang iba mo pang mga aktibidades sa buhay bukod sa trabaho at eskwela ay meron ka pang kinabibilangan na mga iba mong sinasalihang organisasyon.

At kung ano-ano pang mga aktibidades at mga gawain na kung iyong mapapansin ay nadagdag na sa iyong buhay habang ikaw ay nag kaka edad at nag kakaron ng mga lumalawig na responsibilidad.

Ngunit ang malaking katanungan at ito ay matatanong mo din sa iyong sarili, ay lahat ba ng iyong pinag kaka abalahan ay naka laan at na sa tamang direksyon ng gusto mong patunguan sa iyong buhay?

Madaling maging ‘Busy’ ika nga, puede kang umako ng umako ng mga responsibilidad na tingin mo ay makakatulong naman talaga sayo. Puede kang mag dagdag ng mag dagdag ng organisasyon na kahit paano ay may magagawa para iyo at sa iyong gustong marating. At mag dagdag din ng mga mas maraming kaibigan at kumonekta pa sa mga lumang kaibigan sa iyong ‘social network circle’.

Hindi naman natin kine-kwestyon ang iyong pagiging ‘Busy’ at mga iba-ibang aktibidades mo sa buhay. Talagang sa buhay ng tao ay normal lang na sa mga nabanggit natin ay tayo ay talagang makakaranas ng ganitong bagay. Dahil syempre gusto natin na meron tayong marating at mapatunayan din sa ating sarili at sadya naman na sa ating mga pinag kaka abalahan ay alam natin na kahit paano importante din ang mga ito sa buhay natin lalo na ang mga magagandang karanasan at mga aral na naibibigay nito sa ating buhay.

Ngunit minsan ay nakaka limutan natin muna ang pansamantalang mag ‘Pause’ ng konti at mag bigay at laan ng oras man lang sa bawat araw na lumilipas upang tayo ay saglit na mag ‘reflect’ ng mabuti muna sa ating mga ginagawa sa pang araw-araw.

Bakit mahalaga na minsan ay mag ‘Pause’ tayo kahit saglit kahit na madami tayong ginagawa?

Dahil sa ganitong paraan ay na ‘release’ muna natin ang tensyon sa ating isipan upang maalis ang emosyonal at saglit na pahinga ng ating pisikal na katawan.

Habang tumatagal kasi sa ating pagiging ‘Busy’ ay nagiging ‘routine’ na lamang ang ating ginagawa at nawawala na yong ating ‘awareness’ at malalim na dahilan sa kung bakit ba natin talaga ginagawa at pinag kaka abalahan ang mga bagay-bagay sa buhay natin.

Kaya maganda din na pa minsan-minsan ay mag ‘Pause’ tayo ng kahit na saglit at mag muni-muni muna ng saglit sa kung ano ba talaga ang direksyon na gusto natin tahakin.

Maaring ibat-ibang paraan tayo kung paano natin gagawin ito ngunit siguro ang pinaka simple ng isitilo na magagawa mo ito ay tuwing sa pag gising natin sa umaga.

Puede kang sa iyong pag gising ay humilata ka lang at isagad mo ang iyong buong katawan sa iyong pag kaka higa. Pumikit at huminga ng malalim at mabagal. Bigyan mo ng 3-5 minuto na kapayapaan ang iyong pag iisip at maging ‘aware’ ka muna sa kung ano ang iyong nais na gawin at ma ‘accomplish’ sa buong araw na nakalaan.

Ang simpleng pag ‘Pause’ ng ganito ay makakapag bigay sayo ng konting pahinga sa tensyon na dulot ng kapaguran at pagiging ‘busy’ mo. Sa ganitong paraan ay papasok ang maayos na pag iisip mo sa kung ano ba ang mahalaga at dapat mo muna unahin o ‘i-priority’ sa iyong buhay.

Mga katanungan na ano ba ang mas mahalaga? ano ba ang mas uunahin? ano ba ang aalisin? ano ba ang babawasan mong gawin? at kung saan ka talaga ba lang muna dapat na mag ‘fo-focus’.

Hindi madaling gawin ito, dahil kailangan ng disiplina at ‘constant reminder’ sa ating sarili na kailangan natin minsan itong gawin. Pero ang ibubunga naman nito kung atin itong mapapanatili at masisimulan natin na maging ‘routine’ ay mag kakaron tayo ng malinaw na direksyon ng ating isipan at mas mapapa buti natin ang ating buhay sa mga maliit ngunit mahahalagang pag babago sa atin buhay.

 

Leave a Reply