financial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Criteria on Protection

May mga  ‘Criteria ng Insurance/Protection‘ na puede ninyong kuhanin.

1. Yong merong ‘Maximum Benefit’

‘Healthcare’ – na and layunin ay upang meron kang kakayahan na pang gastos (bilang iyong protekyon) sa pag kakataon na ikaw ay biglang mag ka sakit  ma hospital, na dahil meron kang ‘Healthcare‘ ay maari kang ma-‘admit’ sa mga hospital at meron din na mga benepisyo na kunwari ay ‘Annual Health and Dental Checkup Package“na kasama na sa iyong binabayaran.

‘Insurance’ – na sa pag kakataon na may mangyari sayo na hindi inaashan tulad ng aksidente o pag ka matay ay may halagang katumbas na maiiwan sa iyong pamilyang naiwan upang kahit naman paano ay hindi maging sobrang mabigat ang mga biglang pangyayari na ito sa iyong pamilyang maiiwan.

‘Investment Linkage’ – na sa iyong pag babayad ng ‘healthcare at insurance‘ at hindi ka naman na hospital, nag ka sakit, na aksidente o pumanaw ay kahit paano magiging ‘investment/savings‘ yong binayad mo sa ‘healthcare/insurance‘ na may ‘option‘ kang kunin ang iyong mga naibayad sa ‘maturity‘ (natapos mo na yong term o bilang ng taon ng pag babayad) o gusto mong huwag muna kunin at palaguin pa muna hanggang sa dumating na lang sa panahon na ito ay gusto mo ng kunin na meron ng kinita ito kahit paano.

2. Yong  tinatawag na ‘Term Insurance’

Short Payment Period – na nasasakop ang ‘policy‘ o kung saan sa napagkasunduan ninyong ‘term‘ o bilang ng buwan o taon sa iyong kontrata sa iyong kinuhang insurance ay ikaw ay ‘covered‘ o siguradong makakakuha ng iyong benepisyo sa iyong ‘insurance’ basta sa napagkasunduan bilang ng buwan o taon ay aktibo kang nag babayad.

Example: Kumuha ka ng 5 taon na ‘Term Insurance’ na kunwari ay nagbabayad ka ng maaring buwanan na P1,000.00 o kaya naman ay isang taon na P 12,000.00 na kapag may nangyari sa iyo sa 5 taon na aktibo kang nagbabayad ay makukuha mo ang mga benepisyong na ‘offer‘ sayo ng ‘Insurance Company‘ na kinuha mo. Kung kunwari naman ay namatay ka ‘after‘ ng limang (5) taon na hindi ka na ‘covered‘ ay wala ka ng makukuha.

Short coverage period but with higher return – yong maiksing panahon lamang na sakop yong ‘insurance’ mo ngunit medyo mas malaki yong makukuha mo, ngunit kung walang nangyari sa iyo ay mapupunta na sa ‘insurance company’ yong binayad mo.

Example: yong mga ‘insurance‘ na tulad ng mga na ‘offer‘ sa pag ‘book‘ mo ng ‘airfare‘ na kung saan may maliit na halaga na (optional) na gusto mo bayaran na kung sakali man may mangyari na hindi maganda sa iyong pag lalakbay sa eroplanong sinakyan mo ay may ‘coveraged‘ na ‘insurance‘ na makukuha ang iyong mahal sa buhay na iyong maiiwan.

Sa totoo lang madaming ibat-ibang klase ng insurance ngunit gusto lang muna namin na maintindihan mo yong mga nabanggit namin dito bilang ‘basic concept’ sa larangan ng ‘protection/insurance‘.

Leave a Reply