financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Do not save what is left after spending, but spend what is left after saving – Warren Buffet

‘Do not save what is left after spending, but spend what is left after saving’ – Warren Buffet

Karamihan sa nakakabasa nito maaaring masabi na “wala naman ng natitira sa sweldo ko, paano pa ako may maitatabi?” – isa ako sa may ganitong reaksyon, #dati #aNotSoLongTimeAgo… mahigit sampung taon kong katwiran na kulang pa nga ang sweldo e, at yun sa mga panahong yun ng paghahanap-buhay, wala nga akong naitabi…
Mabuti na lang di pa huli ang lahat para sa akin (at para sa iyo), upang baguhin ko ang aking paniniwala, ng matutuhan ko ang 10/20/70 principle ang akala kong kakarampot na sweldo ay kasyang kasya naman pala upang masimulan ang pag-tatabi ng pera, hindi sa banko, kundi proteksyon para sa akin (at sa aking pamilya) sa pagkakasakit/pagkamatay (insurance), pagiging kasosyo ng mga malalaking negosyo (through mutual funds at stocks market).

Ano ba ang 10/20/70?

10- tithes, 20- save & invest, 70-living expenses…

Disiplina lang kapatid, magtrabaho tayo para sa katuparan ng ating pangarap, para sa ating pamilya, para sa ating pagtanda. Hindi habang-buhay malakas ka… tamang kaalaman, tamang pagpaplano, tamang pagsasagawa, tamang pagamit ng kinikita mo.
Kaya ko, kaya mo sigurado…

Alamin natin at kumilos tayo kesa sa mapag-iwanan at isipin kung saan ka nagkulang?

Nasa iyong kamay ang ikauunlad mo kapatid…

Leave a Reply