financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Hindi ba nakaka ‘Stress’ ang may utang, ano ba praktikal na hakbang para maibsan ito?

Karamihan sa atin lalo na sa may mga obligasyon at pamilya na ay sa malamang ay may mga utang. Normal naman ito lalo na sa isang nag papamilya, kunwari sa pag bili ng bahay ay madalang ang nakakaya na bumili ng ‘Cash’ oh isang bayaran lamang at madalas ay kung hindi sa Banko ay sa mga ahensya ng Gobyerno na pahulugan tulad ng Pag-IBIG, SSS, GSIS nakakakuha ng mga hulugang pabahay. Ang punto natin dito ay normal ang may utang, lalo na sa mga pangangailan natin na kailangan natin at ng ating pamilya.

Pero may mga utang din na kuminsan ay mga ‘Wants’ lamang at hindi naman ‘Need’. ‘Wants’ tulad ng mga sobra-sobra o kaya ay mamahaling gamit na hindi naman talaga siguro kailangan. Ang mga utang na tulad ng mga ‘Needs’ tulad ng bahay o kaya ay sasakyan na gagamitin sa hanap-buhay o talagang kailangan dahil mas nakaka tulong ito sa ating buhay ay ok lang.

Pero may mga pag kaka taon na nag kaka patong-patong ang utang na mula pinag sama- samang ‘Needs’ at ‘Wants’ na sadyang minsan talagang hindi maiwasan. Minsan sa mga panahon na tayo ay bata pa o kaya hindi pa tayo ‘mature’ sa buhay may pamilya at lalong-lalo na kung ala pa tayong ideya tungkol sa ‘Financial Literacy’ ay sa malamang na sa ‘stage’ tayo ng buhay natin na pumapasok tayo sa iba’t-ibang klase ng  pag utang, mapa ito ay ‘Needs’ talaga o ‘Wants’ lamang.

Ngunit mahirap mabaon sa utang at minsan huli na para ma ‘realize’ natin kung bakit natin pinasok ang ganitong sitwasyon. Dito na pumapasok yong mabigat na problema natin kung paano natin ito mababayaran at sa mga pag kakataon pa na baon na tayo sa  utang ay may mga pangyayari pa sa buhay natin na lalo pang mag papa bigat sa ating  situasyon. Maaring ang mga mabibigat na situasyon na ito ay hindi bagay na pang  pinansyal ngunit mas malaking parte ng mga problema ay may kinalaman sa pinansyal.

Mahirap ang nararamdaman ng nasa ganitong situasyon, kaya nga damang-dama ko ito  habang sinusulat ko ang artikulo na ito, dahil ako mismo madaming beses ko ng  naranasan sa buhay ito. Nadyan na siguro yong may mag ka sakit or meron ng may sakit  sa pamilya, may inaalagaan kang matandang magulang na pa minsan-minsan ay nag kaka  sakit na din. Biglaang namatayan at minsan awayan ng mag-asawa ng dahil sa pinansyal  nilang situasyon.Madami pang situasyon tulad ng pag hihiwalay ng mag asawa, pag  kawala bigla ng trabaho, hindi magandang ‘environment’ na tinitirahan at kung ano-ano pang ibang pangyayari at ‘factor’ na talagang mag bibigay ng ‘Stress’ sayo bukod  sa problemang pang pinansyal.

Pero dahil ang artikulong ito ay patungkol sa pinansyal ay mas bigyan muna natin yong aspeto ng ‘Stress’ na dulot ng problemang pinansyal.

Ang isa sa maipapayo muna siguro natin patungkol dito ay umiwas sa pag iisip ng negatibo na imbis na makatulong sa inyong diskarte kung paano maayos ang iyong situasyon pang pinansyal sa bahay ay lalong hindi ma reresolba ito. Mag ‘exercise’ dahil may pag aaral sa ‘Science’ na ang maayos at masiglang katawan ay nakakatulong sa maayos na pag iisip na mag reresulta na maka isip ng solusyon sa inyong problemang pang pinansyal. Palakasin ang pananalig sa iyong pananampalataya, kahit ano pang relihiyon ang kasapi ka (huwag lang yong masamang relihiyon siguro), dahil ang ‘Faith’ ay sa matagalan ay nag reresulta ng magandang direksyon sa iyong buhay, kahit na sa umpisa ay parang alang pa agad na mabilisang resulta, ngunit mapapansin mo na unti-unti nababago ang iyong pananaw at solusyon sa iyong problemang pang pinansyal. Matuto din na mag ‘Focus’ lamang muna sa buhay, pagkat pag sabog-sabog ang iyong atensyon ay hindi mo magagawa ng maayos kung ano man yong dapat mo munang dapat ayusin at harapin. Maaring ‘Busy’ ka nga pero dahil sa kalat ang iyong pag-iisp at ‘Effort’, sa bandang huli ay wala din resultang maganda kang mapapala. Siguro huling maipapayo ko ay ang maging mapag kumbaba ‘Humility’, dahil sa ganitong pag uugali tayo mas lalong magiging open sa ating mga kamalian sa buhay at matututong tumanggap ng mga aral at leksyon sa ibang tao.

Huwag na din natin kalimutan na ang mga pag kakamali sa ating buhay ay normal sa buhay ng tao, at hindi ibig sabihin ng madaming ‘Failure’ ay bigo na tayo sa buhay. Minsan kailangan natin dumaan sa ganitong pag kakataon upang tayo ay matuto.

Nawa ay kahit paano ay nakatulong ang simpleng payo na ito upang maibsan ang iyong ‘Stress’, kung nararanasan mo man ito ngayon ng dahil sa mga problemang pang pinansyal.

Leave a Reply