financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Importante na maintindihan at nagkakasundo ang mag-asawa sa negosyong kanilang pinapasok

Sabi ng mga eksperto at may mga malalalim ng karanasan sa negosyo na dapat daw pag may pinapasok kang isang negosyo ay mahalagang ‘Passionate’ or talagang hilig na hilig mo yong produkto oh yong ginagawa mo, kapag kasi hindi mo ito talagang gusto at hilig at ang tanging dahilan lamang ay ‘PERA’ o dahil gusto mo lang gayahin ang negosyo na malaking kita ng iyong kapit-bahay, kamag-anak etc. etc. ay mahirap na pasukin ang isang bagay na talagang hindi mo naman gustong-gusto.

Ganito kasi yon, kung papasok ka sa negosyo na malaking dahilan lamang ay ‘PERA’, sa malamang sa unang pagsubok pa lamang na iyong maranasan at ikaw ay pinang hinaan ng loob ay malaki ang posibilidad na kung hindi man mabilisan mo syang ayawan ay may posibilidad ng ilang pag-subok lamang ay maari mo ng itong hindi pag pursigihan at ituloy.

Ngayon may mga situasyon naman na ganito, paano naman kung ang isang ‘Negosyo’ or ‘Endeavor’ na iyong pinasok, katulad ng IMG, ay talagang gustong-gusto mo at alam mo sa sarili mo na natutugma sa iyong personal na mission sa buhay ang pag pasok mo dito. PERO, ang malaking pagsubok ay hindi naman ito linya, hilig o interest ng iyong asawa o kabiyak sa buhay. Hindi ba’t bilang mag-asawa, halos parang ang kilos at layunin nyo na sa buhay ay iisa dapat. Mahirap ang sitwasyon na pinapasok mo ang isang bagay na ikaw lamang ang may hilig ngunit ang iyong kabiyak sa buhay ay alang interest oh sadyang hindi lang nya siguro linya.

Ang sa akin lang bilang payo lang muna ang aking masasabi at maipapamahagi sa inyo. Una siguro ang kasagutan dito ay importante munang pondasyon ng isang mag asawa ay may ‘Genuine’ kayong pag mamahalan sa isa’t-isa, kasi naniniwala ako na kapag may tunay na pagmamahalan at pagtitiwala ay mas malaki ang pagkakataon mo na makinig muna sayo ang iyong asawa na ang ginagawa mo ay para sa kapakanan ng iyong pamilya. Medyo mahirap din ang sitwasyon ng mga asawang kuhanin ang loob ng kanilang kabiyak sa buhay na siguro ay galling kayo sa matinding pag subok at kinukuha mo pa lang muli ang kanyang loob.

Pangalawa, huwag mong biglain at ipilit na ipaliwanag ang ginagawa mo at plano mo ng mabilisan, ibig sabihin, mag paliwanag ka ng unti-unti, huwag mo syang puwersahin, minsan pag seryoso ang usapan at may pag kakataon, ay iyong ipaliwanag ng saglit kung ano ang mabigat na dahilan ng iyong pag pasok sa negosyong ito, at kung para kanino ang ginagawa mo. Para bang nanliligaw ka lang ulit na hindi isang araw mo lang nakuha ang puso ng iyong kabiyak sa buhay.

Sa maniwala ka o hindi, sa pa unti-unti mong pag papaliwanag kahit hindi sya nag ‘interact’ oh tipo bang akala mo hindi sya nakikinig, sa akin lamang karanasan, at sa pondasyong may ‘pagmamahalan’ at ‘thoughtful care’ ka sa iyong pag papaliwanag ay nag ‘reregister’ na ito sa kanilang isip at damdamin. Hindi mo alam pero unti-unti mo syang naliliwanagan.

Paano ko nalaman? Kasi nong nakita ko yong palitan ng asawa ko ng ‘Facebook message’ niya sa mga kaibigan at kamag-anak nya, ay nababanggit nya ang tungkol sa ginagawa ko : ) na akala ko yong tahimik na saglit nyang pakikinig ay ala  syang interest, non pala nag register na yong unti-unting ‘approach’ na ginagawa ko.

Naniniwala ako basta ang iyong ‘agenda’ sa buhay ay dahil sa kapakanan ng iyong pamilya at pagmamahal na totoo, ‘it will manifest’ ika nga’ one way or the other’  dahil ito ay galling sa iyong pusong nagmamahal at nagmamalasakit.

Leave a Reply