financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Invest muna bago mga luho (luxury)

Madaling sabihin pero sa totoo lang mahirap gawin at kahit mga financial literacy guru or advocate ay aaminin na hindi naman talaga ganon kadaling sundin ang payo na ito. Pero ang tanging paraan lang naman talaga para magawa natin na mapuntahan ang ating mga pangarap sa buhay ay ang pa  ulit-ulit na tayo ay ma remind na kung gusto talaga nating umasenso ay may mga disiplinang aksyon at bagay na dapat natin gawin upang marating natin ito. At minsan mas mahirap pa ang kondisyon natin sa buhay ay  kung saan tayo ay na sa adult age na kasi ang pag kaka iba ng at least nong bata pa tayo ay kahit paano nadyan ang mga magulang o di kaya ay mga nakaka tanda na nag papa alala sa atin ng kung ano yong mga tama natin dapat na ginagawa sa buhay, ngunit sa ating pag tanda ay nababawasan na ang pag reremind nila sa atin dahil iniisip na din siguro nila na tayo ay na sa sapat ng edad upang tayo na lamang sa ating sarili ang dapat na mag remind mismo sa kung ano ang dapat natin na gawin tama sa buhay.

Ngunit bilang tao (human) alam naman natin na tayo ay ‘creatures of habit’ ika nga, kung saan may mga bagay na nakasanayan na tayo o nakakasanayan na tayo habang tayo ay tumatanda na minsan ang mga habit na ito ay hindi pala akma sa kung saang direksyon natin talaga gustong puntahan.

Kaya talagang dapat sa ating mga binabasa at sa ating ginagawa sa buhay ay talagang kailangan na pa ULIT-ULIT na dapat na tayo ay ma REMIND sa kung ano ba ang mga tamang hakbang upang marating natin ang ating pangarap sa buhay. At sa pa ULIT-ULIT at consistent REMINDER ng mga mensahe na ito nag bubunga na yong HABIT at MINDSET  na dapat natin gawin.

Which lead us sa HABIT na kung gusto talaga natin umasenso at marating ang ating mga pangarap sa buhay, lalo na sa aspetong pang PINANSYAL ay may mga bagay at REMINDERS patungkol sa mga konsepto ng ‘Financial Literacy’ na makaka tulong satin upang ma achieved natin ang ating mga GOAL sa buhay.

Isa na siguro sa mabigat na REMINDERS at ACTION na kailangan natin gawin ay ang Financial Literacy Concept na ‘DELAYING GRATIFICATION’.

Ano ba yong ‘DELAYING GRATIFICATION’?

Karamihan kasi sa atin ay minsan gusto agad sa buhay ay ‘INSTANT GRATIFICATION’.

Minsan may isang graduation speech ng isang speaker ay nabanggit nya about sa word na ‘INSTANT’.

Kaya daw hindi maayos ang health ng tao sa ngayon ay dahil nauso na mga INSTANT food tulad ng mga instant noodles.

Marami ang hindi maayos ang relationship kasi gusto agad INSTANT Girlfriend, Boyfriend o kaya asawa.

May mga nanalo sa INSTANT raffle at minsan sa INSTANT jackpot sa TOTO or Lottery pero nauubos agad ang napapalanunan o kaya naman nagiging mas mahirap pag pag katapos maubos ang pera.

At sa maka bagong panahon ngayon ay karamihan sa atin INSTANT GRATIFICATION agad ang gusto tulad ng mga:

  • Gusto mabili agad ang latest smartphone gadget, laptop
  • Magkaron agad ng pangarap na sasakyan o kotse.
  • Magkaron agad ng kanilang ‘Dream House’.
  • At iba pang mga materyal na bagay na gusto at pangarap natin sa buhay.

Ngunit minsan at kadalasan ang problema ay hindi muna inaaral yong estado ng kanilang finances, at kung kakayanin ba yong commitment sa monthly amortization o kaya ay payment ng pang matagalan sa mga luho (luxury) na gusto agad makuha.

Hindi natin sinasabing masama ang makamtan natin ang mga pangarap na ito sa ating buhay, infact we encourage nga na mangarap tayo sa ating buhay upang sa kung paano natin makakamit ang mga bagay na ito.

Pero mas magandang unahin natin muna yong STRATEGY na kung saan mas mapapalaki natin ang ating CAPACITY na mabili ang ating mga pangarap na mabili ang mga bagay na ito without SACRIFICING yong ating FUTURE.

Kasi maaring sa ngayon kung mabili mo man ito at pag nag ka patong-patong na yong maliliit na commitment at expenses na hindi mo na pala sa puntong kayang i-maintan, ay ma compromise naman yong FUTURE mo.

Kaya dapat minsan pag isipan mo muna mabuti bago bumili ng luho (luxury) na kung saan ‘DELAYING GRATIFICATION’ muna ang strategy mo.

At ano ba yong STRATEGY  na ito?

Ito yong unahin natin na mag INVEST muna upang MAPALAKI at mapa LAGO muna natin yong ating FINANCES upang pag dating ng araw pag malaki na yong ating naipon at INVESTMENT at darating ka sa puntong yong gusto mo at pangarap mong bilhin ay hindi na mabigat at partial na lamang na lang ng iyong expenses dahil mas malaki pa din ang iyong IPON at INVESTMENT.

Hindi ba mas maganda na nabili mo na ang gusto mo at may INVESTMENT ka pa na pang SECURED sa iyong FUTURE.

DELAYING GRATIFICATION would simply mean na uunahin mo lang muna yong bagay na mas makakatulong pa sayo in the FUTURE (tulad ng pag INVEST) at pag dumating ka sa puntong maayos na ang Finances mo ay don mo pag bibigyan ang sarili mo na bilhin na yong mga gusto at pangarap mo sa buhay.

 

 

Leave a Reply