financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Kahit sino manalo sa eleksyon,tayo pa din ang may responsibilidad sa ating individual na pamumuhay at pag asenso.

Ang araw ng eleksyon ay ang binibigay sa ating mga mamamayan na malaya nating mapili ang ating susunod na magiging pangulo at mamumuno sa ating bansa. Ito ay isang napakagandang halimbawa na tayo ay na sa isang demokratikong pamayanan na may mga ganitong kalayaan.

Ngunit ganon pa man, siguro nga ay hindi man malaki ay kahit paano may konting epekto (depende sa sitwasyon) sa ating pamumuhay ang maaring maging resulta ng kung sino man ang mamumuno sa ating bayan o bansa. Depende na din siguro kung anong sitwasyon meron tayo sa buhay, tulad ng kung ikaw ba ay isang empleyado ng gobyerno, kung ikaw ba ay isang OFW, kung ikaw ba ay isang negosyante at marami pang ibang kalalagayan, ay kahit paano meron at meron mga bagay siguro na magiging ‘in-direct’ na epekto sa atin ang kung sino man ang mamumuno at mag papalakad ng ating bansa at ng ating kinakaharap na ekonomiya sa ilalim ng pamamalakad ng ating bagong mahalal na lider.

Pero sa bandang huli o sa kasabihan sa ingles ika nga’ at the end of the day’, ay mas malaki pa din ang porsyento na sa ating mga indibidwal na buhay, lalong-lalo na sa kapakanan ng ating pamilya ay nadyan pa din na ang ating direktang desisyon at kung ano ang ating pinag kaka-abalahan sa ngayon mapa yan man ay negosyo, hanap-buhay at iba pa natin aktibidades ay direktang ito ay nagiging resulta ng kung ano man ang ating kinanatayuan sa ating buhay.

Kung gusto po natin marating ang ating mga pangarap sa ating buhay, lalo na at ating dahilan ay para sa ating pag mamahal sa ating mga pamilya o mahal sa buhay, ay ang realidad po ay tayo na dapat ang kumilos at gumawa ng paraan tungo sa ating gustong marating at mahirap po na i-asa lang natin sa mga bagong mamumuno sa atin.

Ang realidad po kasi ay, unang-una po ay bilang isang lider ng isang bansa ay madami sigurado na sya ay aasikasuhin at sa laki ng kanyang nasasakupan at responsibilidad ay kahit pa po kayo ay kakilala nitong lider na ito ay mas dapat nya na prioridad ang ikabubuti at kapanan ng nakakarami at hindi dapat ng iilan lamang.

Pangalawa ay ang pag unlad po ng ating bansa ay mararating lamang kung ang bawat isang indibidwal ay nag bibigay ng kanyang kontribusyon tungo sa ikaka unlad ng ating lipunan at una na nga pong dapat natin gawin bilang isang mamayan ay unahin natin ang ating sarili na paunlarin upang kahit po paano ay tayo man lang ay makabawas na sa problema ng ating gobyerno at gayon na din na kapag maayos na din ang ating buhay at narating na natin ang ating mga pangarap na pagiging ‘financially stable’ na kalalagayan ay bukod sa nakabawas na tayo sa problema sa ating bayan ay nadyan pa pong tayo mismo ay makakatulong pa sa iba nating kapwa Pilipino.

Nawa po ay pag katapos ng eleksyon na ito ay maibalik na po natin muli ang ating ‘focus’ sa mga mas importanteng bagay sa ating buhay na direkta na dapat nating pag laanan ng atensyon at pag papahalaga at yan po ay ang mapa-unlad natin ang ating buhay para na din sa ating pamilya at ito na din ang ating magandang indibidwal na kontribusyon para sa ating lipunan.

Leave a Reply