financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Kailan ba tayo matututo? Gusto kasi natin mabilisan pag yaman!

Eto ang isang balita na naman ng isang ‘Scam’ na madaming naloko dahil sa pangakong siguradong balik na kita sa iyong ‘investment’.

Unang pinapayo natin sa mga kababayan natin ay aralin muna yong iyong papasukin na negosyo o ‘investment’ bago mo ito simulan. Mag tanong-tanong ka muna at mag ‘research’ ng mabuti, at mag tanong-tanong ka sa mga taong may alam tungkol sa negosyo o may mga karanasan na sa ganito. Syempre dapat ay tamang tao din ang pag tatanungan mo at hindi yong kaibigan, ka opisina oh basta lamang kakilala na dahil lamang hindi sya naging ‘successfull’ sa isang ‘endeavor’ na pinasukan nya ay para sa kanya masama at hindi na maganda yong bagay na yon.

Wala pong ‘investment’ na may ‘guaranteed return’, lahat po ng ‘investment’ ay parating may tinatawag na ‘risk’ o walang kasiguraduhan. Pero may tinatawag po tayong ‘Calculated Risk’ or tantyado mo yong bagay na pinapasok mo dahil ito ay iyo munang inaral na mabuti at komportable ka sa producto at ‘Legit’ at talagang totoo ang kumpanya na iyong pinasok.

Siguro masasabi at maipapayo lang natin sa pag pasok mo sa isang ‘Endeavor’ sa buhay ay dapat una ay ‘Passionate’ ka at talagang linya mo ito, at hindi lamang pinaka ‘Main Reason’ ay pera lang ang unang ‘Prioity’ mo kaya mo ito pinasok. Oo kasama ang pera at talagang mahalaga ang kumita ka sa papasukin mong isang bagay pero ito ay resulta lamang ng isang bagay na iyong gustong-gustong gawin sa buhay na ikaw ay talagang ‘passionate’ talaga.

At ang pinaka importante sa lahat ay dapat matuto kang maging ‘Patient’ na aralin at mabuti mong i-‘research’ at ipag tanong sa iba kung nararapat ba sa iyo ang papasukin mo? Legal ba ito? Yon bang produkto ay talagang gusto mo din? At ikaw mismo sa sarili mo ay naniniwala ka?

Maganda din na isama mo sa iyong pag darasal ang gabayan at bigyan ka ng pag lilinaw ng isip kung para sayo ba ito.

Nawa’y kahit paano makatulong ang mga simple pero magandang punto na aming naibahagi sa inyo sa iyong pag pasok sa ano mang larangan ng negosyo na iyong papasukin.

Leave a Reply