financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Ang layunin muna dapat ay tumulong

 

Sabi nga sa Ingles ‘When we Sincerely are Helping Other People, the Money will Follow’, at aking pong pinag diinan ang salitang ‘Sincerely’ , dahil po maaring sa ibang pagkakataon ay sinasabi nating gusto nating tumulong ngunit ‘Deep Inside’ ay ang gusto lamang po natin ay kumita.

Totoong madaming negosyo ang kumikita na kung saan ang mga may-ari nito ay ang nasa sa isip nila ay ‘Profit’ lamang at kung paano ito mapapalago.

Ngunit sa mga obserbasyon ko sa mga nasaliksik ko at nababasa sa mga mas malalaking negosyo at mga umunlad na ibat-ibang individual, kapag pala ang naging layunin na ng isang tao sa pag nenegosyo ay ang makatulong ng totohanan sa tao, ay dumadating sa puntong lalong nabibigyan ng magandang oportunidad at lalo pang lumalawak ang isang negosyo.

Pagkat kapag sa ating sarili ay sinabi natin na gusto nating makatulong sa ating kapwa at nadoon ang ating ‘Compassion’ sa mga nangaingailangan ay unti-unti na hindi natin namamalayan na lalo nating pinag bubuti at lalo nating napapaganda ang takbo at kalakaran ng ating ginagawa, na ang resulta ay lalo itong lumalawak at umuunlad.

Ika nga, pag galing na sa puso natin ang dahilan ng ating ginagawa ay siguradong malayo ang mararating at kahit man may mga sagabal at problema ay atin itong malalagpasan.

Kaya kung sa iyong pag nenegosyo oh sa kung ano man iyong gagawin sa buhay ay ilalagay mo ng totoo sa iyong Puso ang makatulong sa iyong kapwa, siguradong ang balik nito sayo ay isang-daang beses pa.

Leave a Reply