financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayanpinoyinvestorstambayanservices

Mas ok ‘daw’ mag invest dito

Minsan sa mga makaka usap natin mga colleague, classmate, kamag -anak, kakilala or kung sino-sino pa na ating nakaka salamuha ay minsan either nahihingan or nabibigyan nila tayo ng payo o kaya naman ay  nakakawento nila ang kanilang mga iba’t-ibang karanasan sa pag hahanap buhay, pag nenegosyo, pag tratrabaho at minsan na-‘share’ din nila pati yong kanilang karanasan sa pag ‘iinvest or investment’.

Pero mag focus na lang muna tayo don sa kung ano ba yong madalas na mapag kwentuhan pag dating sa topic na pag ‘iinvest’ or investment.

Hindi maiiwasan na makaka pag bigay sila ng komento o kaya naman ay mga payo (depende sa iyong interpretation) sa kanilang mga nagiging karanasan pag dating sa investment or kaya naman ay sa negosyo.

Ngunit ang isa sa napapansin natin na problema ng madalas sa atin ay yong tipo bang imbis na tayo mismo ang magtyagang mag-aral at mag ‘research’ lalo na sa larangan ng pag nenegosyo at pag invest, ay aminin man natin o hindi, kadalasan ay mas para bang mas umaasa na lang tayo sa kung ano ang nasasagap na lang natin sa mga kwento sa atin ng mga ating nakaka salamuha tungkol sa kanilang nagiging karanasan.

Hindi naman masama sigurong makinig at mapakinggan ang kanilang mga sariling ‘experience’ sa pag pasok sa negosyo at sa kanilang mga ginagawang ‘investment strategies’, pero dapat ay ang pakikinig sa kanilang mga kwento o mga payo ay  isa lamang dapat proseso ng ating ‘personal judgement’ sa ating pag aaral ng mga bagay-bagay.

Nangyayari kasi ay parang ganito:

Pagkatapos mong marinig sa kwento ng kaibigan mo na mahirap pala ang pumasok sa ganitong klaseng negosyo (according sa kanyang kwento), ay mangyayari tatakbo na sa utak natin na yong ganon palang klase ng negosyo o kaya ay ‘investment’ ay mahirap pala (ayon sa impluwensya ng kwento lamang ng ating kaibigan).

Nadyan ang marinig mo na:

Pre mahirap yang negosyo na yan.

Pre hindi maganda ang investment na yan.

Insan mas may alam akong mas maganda na negosyo keysa dyan

Anak hindi ba mahirap ang ganyan klaseng negosyo/investment?

Etc. etc.

Minsan din naman ay dahil sa kwento lamang ng atin kaibigan ay nadon din na gusto na agad natin pasukin yong larangan ng negosyo or pag -iinvest na kanyang ginagawa.

At ganito naman ang iyong maririnig:

Pre madali lang pasukin ang negosyo na ito.

Pards walang kahirap-hirap ito, maniwala ka sakin.

Anak ,mukhang maganda nga ang kita sa nakwento ng kaibigan mo.

Etc. etc.

Ang Tanong? Sa mga narinig mo ba na mga negatibo o maganda na iba’t-ibang kwento patungkol sa negosyo o kaya ay investment ay sila ba mismo ay may malalim na karanasan sa larangan ng kanilang ginagawa?

Totoo naman na ang pag pasok minsan sa isang negosyo o kaya ay ‘investment’ ay hindi madali at dumadating sa puntong, minsan ay kailangan mo muna na subukan ang isang bagay bago mo malaman kung ito ba ay para sa iyo or hindi.

At nadyan din na kahit ano talagang pag sisikap mo ay minsan talaga bang ang isang negosyo o isang ‘investment’ ay hindi talaga para sayo at nadyan pa ngang ilang beses ka din malulugi, madadapa o kaya ay may nasimulan na ngunit minsan ay nauuwi din sa wala.

Kung baga ang pakikinig sa kwento ng iba ay mainan naman talaga, ngunit siguro ang maipapayo lang natin ay huwag naman na ito lang ang ‘basis’ ng iyong desisyon na papasukin mo ba, gagawin mo ba, hindi mo ba itutuloy na gawin ang isang negosyo o ‘investment’ .

Mainam pa din na aralin mo pang mabuti kung ano man ‘endeavor’ ng ‘investment’ o pag nenegosyo ang iyong papasukin. Nadyan naman ang ‘Internet’ na malaking ‘source’ ng impormasyon upang ma aral natin ‘first-hand’ muna yong mga bagay na gusto natin pasukin.

Mas mainam na madami ka munang ma ‘gather’ na ‘facts, data at information’ sa isang bagay upang mag karon ka ng mas ‘Intelligent’ na desisyon na papasukin mo.

 

Leave a Reply