financial freedomfinancial literacyofwpinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Mga realidad ng buhay minsan ng isang OFW

Minsan ang pinaka mabigat na problema ng isang OFW ay hindi lang lungkot at pag ka layo sa pamilya.  Sa programa na ito ni Raffy Tulfo ay ang ang pinaka malungkot na problema at situasyon ng isang OFW na umuwi na sa Pinas para lang sana mag bakasyon ay ang kanya mismong asawa ang napaka bait at mabait na byenan.

Kabayan, at lalong lalo na sa mga OFW, huwag na po natin hintayin yong situasyon na huli na lahat na malaman natin na halos wala tayong na ipon at naitabi para sa sarili natin. Madalas talaga lalo na sa ating pag mamahal sa ating pamilya na halos binibigay na natin lahat ng kinikita natin sa ating mga pamilya at mahal sa buhay, pero ang malungkot ay nakakalimutan natin na sa ating sarili mismo ay mag tira ng konti at mag tabi.

Huwag na po natin hintayin na matulad tayo sa mga karamihan na pag katapos mag trabaho at mag retiro o kaya ay matapos na ang kontrata sa abroad at sa trabaho ay nauuwi sa wala na lamang.

Pilitin po natin na mag aral ng mga puede natin pasukin na sideline na puede natin pag ka kitaan habang malakas pa tayong nag tratrabaho at kumikita at huwag na po natin hayaan humantong sa buhay natin ang katulad ng nangyari kay Manong.

Isa po sa puede natin pasukin sideline ay mga ‘Online Business’ na kahit paano magagawa natin kahit pag katapos ng ating mga trabaho at madadala natin pag tayo ay mauwi man o bumalik na sa Pinas bilang OFW o kaya naman kung tayo man ay matanggal sa ating trabaho sa Pinas.

Click nyo lang po ang link na ito kung gusto nyo po ito malaman – https://goo.gl/cYir27

Leave a Reply