financial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Mutual Funds, sa pananaw at pag kaka intindi ng isang nag sisimula pa lang na ‘Investor’ at aking i-‘explain’ sa wikang Tagalog

Siguro ay napadpad ka sa ‘article’ na ito dahil gusto mong matuto, ikaw ay may ‘mindset’ na yumaman at umasenso, isa kang praktikal na tao na gustong gamitin ang kinikita sa mas maganda at makabuluhang bagay, at ikaw ay mapag mahal na tao lalo na sa iyong pamilya kaya ikaw ay nag iisip ng ganito. 
 
Gusto ko lang ituro sa iyo at ipaliwanag sa tagalog kung ano-ano ba itong ‘Mutual Fund’ sa aking simpleng pag kaka unawa bilang isang ordinaryong mamayan na hindi naman masyado pamilyar sa mga malalaim na klase ng mga ‘Investment Terms’ at ang iba’t ibang simpleng klase ‘Mutual Fund‘ base sa pag kaka alam ko.

Una ay gusto ko munang ipaliwanag kung ano ba ang ‘Mutual Fund’.

Ganito lang ka simple iyon, ito ay pinag sama2x na pera ng maraming tao na ang intensyon ng bawat isa ay kung paano mapapa lago ang kanilang nilagak na pera.

May iba’t-ibang ‘Mutual Fund’ company sa Pilipinas, at maari kang mamili kung alin dito ang iyong gustong pag ka tiwalaan.
 
Pag katapos na ipunin ang inyong mga pera ay may isang mag-‘manage‘ ng pinag sama2x nyong pera na ito na tinatawag na ‘Fund Manager‘, na ang trabaho lamang nya ay ang dumiskarte upang paano mapapalawak at mapapa lago ang iyong perang nilagak. 
 
Ang isang ‘Fund Manager‘ ay dapat isang eksperto at may ‘background’ at karanasan sa pag hawak ng pera at kung paano ito i-‘invest’. 
Ang ‘Mutual Fund‘ ay legal at ito ay nasa sa ilalim ng batas ng ‘Gobyerno’ upang proteksyonan ang mga kasapi at mga nag sipag ‘contribute’ ng pera or pondo dito, kaya’t hindi basta-basta lang kung sino lamang ang puedeng mag tayo ng isang ‘Mutual Fund‘ company. Malayong malayo po ito sa mga network business ‘Scam‘ na mga nababalitaan nyo sa TV at radyo.

Money Market Mutual Fund

Nilalagak ang pera sa mga iba’t-ibang ‘Time Deposit’ account, kaya’t siguradong may kita ito ngunit ito ay mababang porsyento lamang, na tulad ng isang ‘Time Deposit’ sa isang bangko, maaring pinaka mababa mong kitain ay sa 4-5%, kapag sa bangko at kapag sa ‘Money Market Mutual Fund‘ naman ay puedeng hanggang 10% ang iyong kitain.
Bond Mutual Fund
Nilalagak ito sa mga ‘Bond‘ ng ‘Gobyerno, ang ‘Government Bond‘ ay isang papel lamang, ngunit ito ay may katumbas na halaga na kung saan ang ‘Gobyerno’ ay sa ganitong paraan nakaka lagak ng pondo sa kanilang mga ahensya or korporasyon, na ang kapalit ng pag bili mo ng isang ‘Bond’ example ay bumili ka ng halagang P 5,000 na isang share na Gov’t Bond sa Pag-IBIG Fund, na sa isang taon ay meron kang siguradong 5% na kitakitain dito.  Maaring kumita ang iyong pera sa ‘Bond’ mutual funds hanggang 30%.

Equity Mutual Fund

Nilalagak at ‘ini-invest’ ang pera sa iba’t-ibang mga ‘Stocks‘ kung saan mas malaki ang kita ngunit malaki din ang ‘Risk‘ kasi ay ang stocks ay hindi naman parating pataas dahil minsan ito ay bumababa din. Maaring kumita ka sa ‘Equity Mutual’ fund hanggang 80%.

May isa akong nakitang youtube video (sa baba) ng pag paliwanag sa ‘Mutual Fund‘ ngunit ito ay sa ‘Ingles’, ngunit kung nabasa mo na yong mga nasulat ko sa taas ay kahit paano mas maintindihan mo na din ito.

 

Leave a Reply