financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Nag tratrabaho sya bilang ‘Parking Lot Attendant’ sa buong buhay nya na mahigit 44 taon, pero asenso ang buhay sa Stocks at Mutual Fund

Ito ay isang kwento ng isang ordinaryong trabahador or empleyado lamang na hindi naman umangat sa mataas na posisyon bilang isang manager or supervisor o direktor pero isang simpleng ‘Parking Lot Attendant‘ o yon bang ang trabaho ay nag babantay ng isang pinapa upa or arkilang mga ‘parking space‘ ng mga sasakyan sa mga nag oopisina sa mga gusaling naka paligid.

Sa halos 44 na taon nya bilang ‘Parking Lot Attendant‘ ay iisipin mo kung paano syang nag karon ng ‘Asset‘ oh perang naipon sa halagang ‘USD $ 500,000.00‘ o sa Php 20 Milyon sa peso sa ganon lamang trabaho.

Bukod pa sa wala na syang ‘Debt‘ oh utang at may sarili pa syang bahay na bayad na at bukod dito ay nakapag aral pa nya sa kolehiyo lahat ng kanyang mga anak.

Ang kwento nya ay nag papatunay lamang na hindi sukatan ang mataas na katungkulan sa trabaho o malaking sweldo ang mag papa asenso sa iyong buhay. Ang totoong ‘technique‘ ng pag asenso sa buhay ay kung paano mo maayos na gagamitin ang iyong kinikita kahit ikaw ay isang ordinaryong ‘janitor, cleaner’ or katulad nya na isang ‘Parking Lot Attendant‘ lamang.

Pasensya na at isang ‘English YouTube Documentary Feature‘ ito ngunit maganda din kasing matuto tayong mga Filipino sa kwento nya, at sa mga diskarte nya sa buhay upang ma-‘inspire‘ din tayo.

Kung nagawa nya ito, siguradong kaya mo din.

Leave a Reply