financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Napilitan ka lang din ba mag abroad?

Ikaw ba ngayon ay isa sa mga ‘OFW’ na hindi mo man maisip na noon talagang wala naman sa iyong plano na mag trabaho sa ibang bansa?

Marami sa mga kababayan natin. lalo na yong walang pag kakataon na makuha oh makasama ang kanilang pamilya sa kanilang pinag tratrabahuan na ibang bansa ang talagang masasabi nating mahigpit na nilalabanan ang sobrang kalungkutan ng kanilang pag kawalay sa kanilang mga mahal sa buhay.

Hindi biro sa isang Tatay o kaya ay Nanay na mawalay sa kanilang mga anak, lalo pa at ikaw ay isang sobrang mapag mahal na magulang sa iyong mga anak. Ngunit nakakalungkot
man, madami ang napipilitan mag trabaho sa ibang bansa dahil na nga din sa hindi sapat na kinikita nila sa Pilipinas na yong iba talaga kahit na sa malaking kumpanya na ay
sadyang hindi mag kasya yong gusto nilang magandang maibigay sa kanilang mga anak at pamilya.

Nadyan na ang pag sasakripisyo mo bilang OFW na nawalay ka sa iyong pamilya sa kagustuhan na makapag bigay ka ng maganda nilang kinabukasan.

Kaso eto nagiging problema, na aminin man or hindi ay nangyayari sa karamihan nga mga OFW.

Kapag natikman na nila ang malaking kita, nadyan na nasisilaw na agad sa marangyang buhay na nabibili ng pera. Walang naman problema sa mga bagay na pinag kaka gastusan tulad ng bahay at edukasyon, ngunit ang mahirap ay pati yong mga ‘Wants’ lamang tulad ng magarang ‘Updated Cellphone, Tab, Laptop'”, bili agad ng bagong kotse o sasakyan kahit hindi pa naman ‘necessary’ (pero depende din naman sa situation kung talagang kailangan).

Ang punto natin dito ay yong sinasama na yong pinag kaka gastusan sa mga bagay na hindi naman dapat muna, na minsan gusto lang natin na maipakita sa ibang tao na ganito na ang ating ‘Lifestyle’, masakit man isipin o sabihin, mas nauuna ang yabang, at nakakalimot na sa ating pinag daanan, pinag simulan at ang talagang dahilan kung bakit tayo nag
ibang bansa.

Kung mapapansin natin na may mga pangyayari sa iba’t-ibang bansa na kung saan tayo nag tratrabaho na biglang binabago ang kanilang mga ‘policy’ at batas sa pag bawas nila ng
mga manggagawa nila na mga dayuhan sa kanilang bansa. May mga pagkakataon din na ang mismong kumpanya ay sa isang iglap ay nagbabago din ng kanilang organisasyon na magugulat ka na lang na ang iyong ‘role’ ay biglang nilipat sa mas murang bansa tulad ng ‘India’ na ikaw ay hindi man lang nakapag handa.

Ang punto natin dito ay ang iyong pag trabaho sa ibang bansa ay dapat isipin natin na pansamantala lamang at darating tayo sa mga punto na ikaw ay tatanda, maaring may biglang
pag babago sa kalakaran at batas ng bansa sa mga dayuhan nilang manggagawa at maari kang maapektuhan, biglang pagbabago sa iyo mismong kumpanyang pinag tratrabahuan na maaring maapektuhan ang iyong trabaho at pinag kaka kitaan.

Hindi natin gustong maging ‘Pesimistic or Negative’, ang ating mga nabanggit ay upang imulat lamang tayo sa realidad ng kalakaran ng ating mundong ginagalawan. Gawin nating sa
positibong aksyon at ‘motivation’ na tayo ay gumawa ng paraan na matuto na masimulan na mag ‘Invest’ o mag handa sa ating kinabukasan ng hindi natin inaasa lamang sa ating
pensyon o makukuha sa ating kumpanya ang ating kinabukasan.

Maging isang ‘Challenge’ sa atin na maging handa tayo mismo at maging responsable sa ating sariling kapakanan, matutong mag pa kumbaba, maging masipag mag aral at tumuklas ng
mga bagay na mag papa unlad sa ating sarili. Huwag ma ‘Disappoint’ kung madapa o mag-‘Failed’ ang isang bagay na ginagawa natin sa buhay. Mas madaming ‘Failure’ mas mainam hanggang sa dumating ka na sa puntong natuto ka na at nagiging smarte at maingat ka na sa mga susunod mong gustong gawin para sa iyong kinabukasan.

Gawin mo na ito hanggang ikaw ay malakas pang nag tratrabaho sa ibang bansa, parati mong isipin ang iyong pamilya at kinabukasan at sa bandang huli ay sasabihin mo sa sarili mo na ‘Buti Na Lamang’ ito ay iyong ginawa habang malakas ka pa.

Leave a Reply