financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Naramdaman nyo ba na minsan masarap at maswerte ang may trabaho, minsan naman nakaka pagod at nakakasawa na din

Sigurado ako na katulad ko din, sa iba-ibang panahon at mga pag kakataon sa inyong buhay ay nadyan na masaya ka dahil may trabaho ka at minsan naman napapagod ka din at napapa isip kung paano nga ba ikaw balang araw kung sakaling biglaan mahinto sa pag tratrabaho ay kung kakayanin mo pa din bang maisamba ang pang araw-araw na pamumuhay mo ay ng iyong pamilya.

Sa pag susulat ko sa mga artikulo ko dito ay gusto ko din ibahagi sa inyo yong kung ano yong nararamdaman at naiisip ng karamihan natin na mga manggagawa o kaya ng may maliliit na negosyo na bumubuhay sa ating pang araw2x.

Tama naman na talagang dapat maging mapag pa salamat tayo sa mga biyayang ipinag kakaloob sa atin, yan naman talaga ang dapat, at kung may pangarap tayo ay talagang dapat kahit paano ay simulan natin ito pa unti-unti. Ngunit minsan alam ko nararamdanan nyo din yong pag-iisip na bakit parang ang tagal o mabagal yong pag kakaroon ng liwanag sa direksyon na gusto mo talagang puntahan. Sa totoo lang kahit na siguro ako mismo na nag tratrabaho na sa isang ‘(Multi-National Company) o ‘MNC’ay kapreho lang din ng mga ordinaryong mangagawa na nadyan parating may pangamba at takot na sa oras na mawalan ka ng trabaho ay siguradong hindi mo malaman ang iyong unang gagawin lalo na at hindi pa tapos ang mga obligasyon mo o natin sa buhay, lalo na at para ito sa pamilya natin.

Hindi naman ako parang nagiging negatibo sa aking mga nasulat sa artikulong ito, ang sa akin ay obserbasyon lang bilang isang katulad nyo lang din na tingin ko naman bilang tao ay normal ang meron ganitong pakiramdam minsan ng pag aalinlangan.

Oo hindi araw-araw positibo ang ating pananaw lalo pa at dumadating ang pag subok at problema sa buhay ng tao. Pero sa mga nakita kong ‘video’ at ‘documentary’ ng mga taong naging ‘successfull’ at narating ang kanilang mga pangarap ay yong naging ‘habit’ na nila na kahit sa mga araw na sila ay dumadaan sa matinding pag subok at problema ay nadyan pa din yong pag laban ng kanilang damdamin na matamo ang kanilang mga pangarap sa buhay. Alam ko madaling sabihin pero kung ikaw ba ay papapipiliin ng iyong gustong maging resulta ng iyong buhay ay mas papanaigin mo ba ang maapektuhan ka ng kalungkutan at depresyon hanggang sa wala ka na lang magawa o ito ay iyong lalabanan at babalik ka na gawan mo ito ng positibong pananaw ang iyong sitwasyon upang maabot mo ang iyong pangarap.

Ako ay isa na siguro mula pa ng bata ako, upang para maging epektibo yong panlaban ko sa mga negatibo at isang paraan siguro para maabot ko ang aking pangarap sa buhay ay yong patuloy kong pangangarap (‘Day Dreaming’) na kung ano yong gusto kong marating sa buhay kahit wala pang malinaw na direksyon kung paano ko ito maabot ay pinapangarap ko at na ‘visualize’ ko parati sa aking isipan. Nadyan din na kasama ko sa aking pangarap ang pag sama ko sa mga mahal ko sa buhay na syang naman totoo at talagang dahilan kung bakit ko gusto itong maabot.

Isa na din siguro dapat na isama natin sa ating pangarap yong hindi lang pang sarili natin pag tupad sa ating gustong matupad sa buhay lamang, ngunit isama na din natin dapat sa atin pangarap yong makamit natin sa buhay yong may kakayanan na tayong makatulong sa ating mga kapwa na walang kakayahan tulad ng mga bata at matatanda na mga nasa ampunan.

Ang pag kakaroon ng malasakit sa kapwa ay isa din matinding dahilan o ‘Drive’ na magbibigay pa sayo ng tamang direksyon sa buhay na hindi lang pan-sarili mong kapakanan lamang ang iyong gustong gawin ngunit nagbibigay din ng kumpleto at kapanatagan ng loob na kahit paano ay nadyang kasama sa pangarap mo ang makatulong ka sa iyong kapwa. Hindi ba mas masarap ng bukod sa marating mo ang iyong pangarap ay nakatulong ka pa sa iyong kapwa, at marahil ito na din ang isang dahilan ng kahit paano pag balik mo sa iyong may ‘Likha’ sa mga biyayang iyong natatangap oh matatanggap.

Simpleng payo lang ito ng isang ordinaryong tao na tulad mo ay may mga pangarap din sa buhay. Pilitin natin na maging ‘HABIT’ ang pangagarap upang maging isa itong positibong hakbang upang malabanan natin ang inip at meron tayong pag hugutan ng isang mag tutulak sa atin na kahit paano ay unti-unti natin pag hakbang tungo sa ating mga pangarap.

Leave a Reply