financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayanstock tradingTax Reform

Paano ka makapag take advantage sa bagong Tax Reform?

Kung sakaling ‘fully implemented’ o kaya ay naka latag na ang planong pag reporma sa pag bubuwis or ‘Tax Reform’, ang tanong ay ano ang direktang magiging epekto nito sa buhay mo bilang isang mangagawang Filipino.

Isa daw sa layunin ng ‘Tax Reform’ o Reporma sa buwis na planong ipatupad ng gobyerno ay upang maramdaman ang epekto ng ‘Inclusive Growth’ ng mga ordinaryong mamayan.

Inclusive Growth? (Ano ba ibig sabihin nito sa isang ordinaryong mangagawa).

Ang ibig sabihin nito ay from the word ‘Inclusive’ ay mapasama or ikaw ay makasama sa ‘Growth’ or pag taas ng estado ng iyong buhay.

Sa pamamagitan kasi ng ‘Tax Reform’ na sinusulong ng gobyerno na kanilang ipapatupad ay direktang babawasan ang buwis (tax) na ikakaltas sa iyong buwanang sahod, ngunit may ginawa silang ‘bracket’ or meron kondisyon lamang na kung magkano ang sinasahod na isang mangagawa ang magkakaron ng pagkakataon sa ‘exception’ or totally wala ng tax or buwis na ikakaltas at sa mga taunang suma tutal ng sahod na pasok sa mas mababang prosiyento ng tax or buwis na ikakaltas. Nadyan din ang mananatiling mataas na tax or buwis sa mga kumikita ng malaking sahod kada buwan. Ito yong tinatawag na ‘Income Brackets’.

Ang sistemang ito na ipapatupad sa bagong ‘Tax Reform’ ay upang maging patas daw ang pag kuha ng tax at buwis sa kakayanan at kapasidad ng kinikita ng isang mangagawa.

(Na sa taas po ang ‘table’ na planong ipatupad patungkol sa bagong ‘Tax Reform’).

Ma ‘re-research nyo sa Internet ang dahilan ng pag papatupad ng ‘Tax Reform’ ngunit mas naka laan ang artikulo na ito sa isang katanungan na kung paano ba talaga ito makaka apekto sa inyo.

Ito kasi ang mga posible natin nga unang puedeng isipin at gawin kung sakali man na direkta na tayong makinabang sa ‘Tax Reform’ na ito.

  • Mas madadagdagan ang perang maiuuwi mo.
  • Meron ka ng dagdag na ‘purchasing power’ or pang gastos at pambili ng ibang bagay na puede mong pag ka gastusan.
  • Sabi nila ang pagkakaron daw ng konting dagdag na ‘purchasing power’ or pang gastos at pambili ng ibang bagay na gusto mo ay makakatulong sa ekonomiya dahil mas madaming goods and services ang iyong bibilhin.

Kung ang iyong mindset ay hindi ka pa masyado aware sa ‘Financial Literacy’, may iba na siguradong ito ang mga unang papasok sa isip natin kung tayo man ay madagdagan ng iuuwing pera sa ating sahod.

  • Makabili ng latest gadget at smartphone (maaring para sa sarili, sa anak, sa asawa, etc. etc).
  • Mag isip ng magarbong gimik ng barkada.
  • Mag plano ng isang magarbong ‘travel’
  • At maari pang ibang pag kaka gastusan

Hindi natin sinasabi na huwag natin na ma ‘enjoy’ yong ating pinag hirapan na kinikita, dapat lang na pa minsan-minsan ay binibigyan natin ng ‘reward’ ang ating mga sarili sa mga bagay na gusto natin mabili at gawin sa buhay, dahil mahirap naman talaga na puro na lang pag papagod at stress lamang sa trabaho o sa ating mga maliit na negosyo ang gagawin lang natin.

Ngunit sa pag kakataon na meron na tayong konting dagdag na ma iuwi na kinita or sahod, ay mas mainam din na mag laan din tayo dapat sa atin kinabukasan at para sa mga mas importanteng bagay tulad ng konting pag tabi sa mga maayos na investment at pati na din sa pag laan ng sa pag aaral at edukasyon ng ating mga anak.

Siguro ay ang ‘artikulo’ na ito ay isang simpleng pag papa alala (reminder) lamang na huwag tayong pa dalos2x sa ating mga pinansyal na desisyon at lalo pa kung tuluyan ng maipatupad ang ‘Tax Reform’ na ito ay kahit paano ay meron na tayong ‘mindset’ na kung paanong mas mainam na ating magiging desisyon at ang oportunidad na puede natin gawin sa bagay na ito.

Leave a Reply