financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Pinaka mahirap sa dibdib ng isang OFW na umaalis ay mawalay sa pamilya

Ang isang video na ito ng isang ama na paalis upang pumunta sa ibang bansa ang pinaka mabigat at mabigat sa damdamin para sa isang OFW na makipag sapalaran sa ibang bansa.

Sa totoo lang, ayaw na sana namin ipakita ang video na ito ngunit kung para lamang sa ikamumulat natin upang tayo ay matauhan na dapat talaga ay may pag hahanda tayo sa ating buhay upang kung hindi man maiwasan ang ating pakikipag sapalaran sa ibang bansa, ay para na lamang kahit paano ito ang mag udyok sa atin upang pag sumikapan natin gumawa ng tamang paraan at hakbang upang makabalik tayo muli sa ating pamilya.

Kailangan po natin matutunan kung paano natin matutulungan ang ating mga sarili na maka gawa tayo ng paraan upang makaalis na tayo sa pag kaka bilanggo sa pag tratrabaho sa ibang bansa na malayo sa atin pamilya.

Simulan po natin una ang mag bigay ng oras upang tayo ay matuto ng mga tamang hakbang, at ilaan natin ang ating oras sa mga tamang paraan. Mag invest tayo sa ating mga sarili, let’s educate ourselves through our own initiative, na dapat talaga ay mag simula ito sa ating sarili.

Kung hindi mo sisimulan, ang unang hakbang ay kailan pa?

Leave a Reply