financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Problema ng mga OFW ay ang kakulangan ng ‘Financial Literacy’ ng kanilang mga mahal sa buhay

May mga ‘Seminar’ na binibigay ang ‘Philippine Government’ sa pamamagitan ng ahensya na ‘Philippine Overseas Employment Agency’ o mas kilala sa tawag na ‘POEA’ ngunit hindi kasama dito ang ‘Financial Literacy Seminar’ na dapat ay binibigay sa mga kaanak na maiiwan ng mga OFW.

Kaya sa bandang huli ay na sa pamilya pa din ng mga pamilya ng OFW na kanilang dahilan ng pag alis sa bansa kung paano pahahalagahaan ang pinapadalang kita o pera ng kanilang mga mahal sa buhay na nangibang bansa upang sa kanilang pag asenso sa buhay.

Ngunit dahil nga karamihan sa pamilya ng mga OFW ay nagiging komportable na lamang ang pag tanggap ng pera na hindi nila pinag hihirapan at ang tanging kanilang OFW na kamag anak lamang na nag tratrabaho sa ibang bansa ang nakakaranas ng hirap upang kitain ito, ay kadalasan ay hindi pinag iisipan ng mga kanilang binibigyan na pera sa tamang paraan ito dapat gastusin.

Kung ikaw ay isang kamag anak ng isang OFW na napadpad sa ‘article or post’ na ito, ay maaipapayo namin na kahit paano ay unawain ang topic ng ‘Financial Literacy‘.

Simulan mo dito – http://pinoyinvestorstambayan.comimgpinoyinvestors.com/financial-literacy-101/

 

 

 

Leave a Reply