financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Sa mga nasusulat namin artikulo

Maaring siguro ay napapa isip kayo dahil ang mga nasulat namin na mga artikulo dito ay minsan parang nag kwekwento lamang kami at mga simpleng obserbasyon at mga pangyayari sa buhay na patungkol o kaya ay ‘related’ sa buhay pang pinansyal.

Totoo po iyon kasi ay ang talagang ‘purpose’ naman namin sa pag susulat ng iba’t-ibang artikulo sa aming blog/website ay una, gamitin ang ‘Tagalog’ hangga’t maari ang aming talagang gamitin sa aming pag susulat upang mas lalong ninyong maunawaan ang aming gustong ipahiwatig. Sa ganito din paraan ay mas madaling maintindihan yong mga ‘Financial Literacy Lesson’ na gusto namin ibahagi sa inyo.

Gusto din namin maging simpleng pag kwekwento at pag hihiwatig ng aming mga simpleng karanasan sa buhay at mga natutunan sa larangan ng ‘Financial Literacy’ ang kahit paano ay inyong kapulutan ng mga aral na sa ganitong unti-unti paraan ay sa simpleng paraan ay maintindihan nyo ang mga konsepto.

Hindi naman namin sinasabi na hindi magandang mag basa ng mga kumplikadong mga artikulo na nag tuturo ng patungkol sa ‘Financial Literacy’ ngunit siguro sa kagustuhan namin na unang-unang matulungan ay yon munang mga nag sisimula pa lamang at yong sigurong medyo ala pang panahon sa pag babasa ng mga ‘advance’ na ‘learning’ patungkol sa ‘Financial Literacy’ at ‘Basic Investment Concepts’.

Mainam na sa maliit muna at simpleng ‘introduction’ muna ng mga ‘concept’ ng ‘Financial Literacy and Lessons’kahit paano kayo medyo mag karon ng unang hakbang na kaalaman upang kahit paano ay ‘itrigger’ muna ang inyong pag-iisip na masimulan ang inyong interest patungkol dito, at hanggang dumating sa puntong kayo na mismo ang mag hahanap pa ng mga ‘advance’ na ‘lessons’ ng kusa sa inyong mga sarili.

Kaya ang aming ‘approach’ ay upang may masimulan muna kayo kahit paano sa aming simpleng pamamaraan ng pag lalahad at pag kwekwento at malaunan ay kayo na mismo sa sarili nyo ang tutungo sa mas ‘advance’ pang mga basahin at artikulo dahil ang importante ay nabuksan muna ang inyong ‘interest’ na matutunan ang mga bagay na ito.

Leave a Reply