financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Sharing my experience on planning and taking down notes on my finances (Tagalog Article)

Ginawa kong ‘Ingles’ yong ‘title’ ng post ko, para d na ako mahirapan mag ‘Translate’ ng Tagalog na bersyon nito, pag pasensyahan nyo na po, ngunit ang tanging layunin ko po lamang ay ang maibahagi ang aking karanasan upang makapag silbing leksyon or ‘guide’ sa kung sino man po ang makakabasa. Gayun din ang aking pag gamit ng ‘Taglish’ sa aking post or ‘article’.

Naalala ko na mula nong ako ay nasa elementarya pa lamang ay natandaan ko noong ako ay Grade 2 ay nag drawing ako sa mga papel ng mga bagay na gusto kong magkaroon nong bata pa ako.

Hindi man ito pormal na pag lilista na katulad na ginagawa ng mga nakakatanda ngunit sa mata ng isang bata ay para itong isang listahan ng mga pangarap kong mangyari at magkaron sa buhay. Ibig sabihin ay para itong ‘drawing’ ng mga listahan ng gusto kong gawin sa buhay pag laki ko.

Noong highschool ako dahil nga sa ang aking ama noon ay nag tratrabaho sa Saudi bilang isang accountant na OFW, ay na ‘develop’ ko ang pag susulat, bukod sa d pa masyado uso ang email ay dahil ito lang paraan ng komunikasyon namin sa aking ama. Mula sa pagsusulat ng liham ay natuto din akong gumawa ng mga listahan ng aking dapat na gagawin at planong gawin, dahil bukod sa pag sulat sa aking ama ay kailangan ko din i-ulat o sa ingles ay i-report ang kung ano man ang dapat kong asikasuhin, at dahil dito ay nabuo sa aking sarili ang gumagawa ako ng listahan ng mga dapat kong gawin.

Hanggang sa ako ay maging ‘College’ ay naging ‘habit’ ko na ang ang may ‘Listing’ at ‘Accomplishment Note’ ako ng mga ‘Priority’ kong asikasuhin, at nadagdagan na din ng pag sulat ko ng mga gusto kong gawin or ma ‘achieve’ or ‘goal’ na dapat kong marating or matapos or magawa.

Napansin ko na ang ganito palang approach ‘All throughout the years of my life’ ay malaking naitulong sa akin, pagkat ito din ang dahilan kung bakit ko narating ang kinatatyuan kong situation ngayon.

Maaring hindi kasing successfull ng iba, ngunit sa pang sariling ‘Assesment’ ko sa aking sarili ay alam kong dahil sa gawaing ito ay nararating ko pa unti-unti ang mga pangarap ko sa buhay.

Mainam ang may listahan ka ng iyong plano at gagawin sa buhay, isang pang ‘Short-Term Goal’ at isang ‘Long-Term Goal’, at ito ay makakatulong sa iyo upang masukat mo kung saan na ang iyong kinatatayuang sitwasyon.

At hanggang sa ako ay mag ka Pamilya ay pati ang pag ‘monitor’ ko sa aking ‘Finances’ or pinansyal na aspeto ng pag plano ay malaki ang tulong upang ma ‘guide’ tayo kung na sa tamang direksyon ba tayo sa ating ‘Financial Situation’.

Hindi ko po sinasabi na ‘Perfect; ang aking ginawang mga listahan at pag paplano, madalas ang iba sa aking naplano at nalista ay hindi nasunod, at ang iba naman ay matagal bago nangyari, at yong iba naman na tulad ng mga bagay na kailangan na asikasuhin dahil importante talaga, ay madami naman ang aking nasunod na ayusin at tapusin.

Sa aking lang po pananaw ay importante ang paglilista at pag monitor sa ating mga Plano sa buhay, mapa ‘Short or Long Term Goal’ at gayun na din ang pag ‘Monitor’ ng mabuti sa ating ‘Finances’, at maaring hindi ito ‘100%’ na perpekto, ngunit ako po ay naniniwala na sa pag takbo ng panahon, ito ay makakatulong sa ating buhay, lalo pa’t gagawin nating itong isang magandang ‘Habit’ ay sigurado akong kahit paano ay may bunga itong maganda sa inyong buhay.

Leave a Reply