financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Sigurado ba na kikita ako sa Mutual Fund investment ko?

May mga nag tatanong na may mga nakapag payo daw sa kanila na mga nag ‘invest’ sa mutual funds na ang kinita halos daw ng kanilang ‘mutual fund investment’ ay umabot ng 30 % (average). Ibig sabihin kung may ‘investment’ ka sa ‘mutual fund’ na yon ng Php 1,000 (isang libong piso) at kumita ng 30 % sa taong (kunwari) ay 2011 yong investment mo, ibig sabihin ay Php 1,300.00 na ito.

Teka maganda siguro ay ipaliwanag ko din muna kung ano ba ang ‘Mutual Fund’, para po don sa wala pang ‘idea’ kung ano ito, pero alam ko na mas madami sa nakakabasa ng ‘post’ na ito na pamilyar na din naman kayo dito, ngunit maganda ipaliwanag ko na din sa kapakanan ng hindi pa din nakaka alam.

Mutual Fund

Eto ang isang youtube video Source: Pesos and Sense Explains na patungkol at nag ‘explain about’ Mutual Funds.

Gusto ko din ipaliwanag bukod sa pag kaka ‘explain’ sa video, na ang pag pasok sa kahit anong ‘imvestment’ ay may kaakibat na ‘risk’. So eto na naman katanungan sa mga bago at hindi pa pamilyar sa mga ‘business term’ na ito at ipapaliwanag ko din ito.

Risk’, ‘Business Risk‘, ‘Investment Risk

Siguro ang puede kong gamitin na tagalog na pag ‘describe’ sa ‘risk’ ay ganito.

‘Risk’ ay yong tipong walang kasiguraduhan, na mas mataas o ‘High Risk’ ay ibig sabihin malaking posibiladad na ikaw ay kumita talaga sa ‘investment’ na iyong pinasok pero maari din ang malaking posibilidad ay sa kabaliktaran kung hindi palarin ay puede din na malaki ang malugi, mawala, at matalo (bumagsak na pera) ang mangyari sayo, so ‘higher risk’ ay ibig sabihin puedeng malaking posibilidad na kumita at malaki din posibilidad na malugi at maari pang mawala ang nilaan mong pera sa ‘investment’ mo.

Meron din naman ‘low risk’ o yong tipong hindi ganon kalaki ang posibilidad na kumita ka ng malaki at ganon din sa kabaliktaran na maliit din ang posibilidad na ikaw ay malugi, mawalan ng pera o bumagsak ang iyong kikitain pera.

Pero eto po ang pakatandaan natin na ang ‘Risk’ ay parte ng ating buhay.

Bakit ko po nasabi ito.

Pag po kayo ay tumawid sa kalsada, meron ‘risk’ dahil maari kang masagasaan ng sasakyan kung hindi ka maingat at maari din naman hindi ka talaga masagasaan kung ikaw ay talagang maingat pero nadyan po parati yong ‘factor’ na may ‘risk’.

Pag sumakay po kayo ng eroplano, bumabyahe sa pam publikong sasakyan (Bus, MRT, Dyip), ay wala pong makakapag sabi sa puedeng mang yari na ‘risk’ dahil may mga bagay po tayo na hindi maiiwasan na puedeng ma aksidente ang ating sinasakyan o kaya naman ay wala naman mangyari at makakarating ka sa iyong pupuntahan ng matiwasay.

At siguro huli kong halimbawa ay sa mga babae , sa kanilang pag bubuntis. Hindi ba hindi pa natin alam ang mga ‘risk’ sa ating pag dadalang tao at pag bubuntis, maaring nadyan ang pangamba na ‘along the way’ ng ating pag bubuntis ay may mga bagay na hindi natin gustong mangyari, ngunit nadyan din naman yong nairaraos ang pag bubuntis ay nairaraos din at matiwasay natin na nairaraos ang panganganak ng maayos at wala naman nangyari.

Tulad po ng mga halimbawa at mga ‘example’ ng nabanggit ko sa inyo na pag ka describe ko sa salitang ‘risk’. Ang pag nenegosyo at pag pasok po sa ‘investment’ ay may ka akibat din po na ‘risk’.

Dahil sa ‘mutual fund’ at ‘stocks’ po na ‘investment’ natin ay wala naman po kasiguraduhan at ‘assurance’ na parating positibo ang galaw ng ating pera na ilalagok dito.

Nabanggit po sa ‘youtube video’ sa taas na ang mga ‘mutual fund’ at ‘stocks’ ay nilalagak sa mga iba’t-ibang negosyo o kumpanya upang ito ay kumita. Ngunit ang isang negosyo o kumpanya po ay nakakaranas din po ng mga may araw na bagsak ang kanyang kinita minsan sa iba’t-ibang araw na minsan tumatagal pa nga sa mag kakasunod na araw at kung may konting problema sa ekonimiya na dahil sa mga maraming iba’t-ibang dahilan na hindi natin kontrolado, ay maaring tumagal pa na medyo hindi maganda ang kita ng kumpanya na ito.

Kaya po sa pag ‘iinvest’ pinapayo na aralin muna natin ito bago natin ito pasukin para kahit paano ay maiwasan ang ‘high risk’ na mawala ang iyong ‘investment’ na pera dahil may alam ka at komportable ka sa pinasok mong ‘investment’ o negosyo.

Kung aaralin muna po natin mabuti at lalawakan natin ang ating kaalaman sa ating papasukin na ‘investment’ o negosyo ay kahit paano po ay ‘calculated risk’ ang magiging situasyon mo.

Ano po ba yong ‘calculated risk‘?

Ibig sabihin nito ay kalkulado or kahit paano tantyado mo yong ‘risk’ ng ‘investment’ o negosyo na pinasok mo na madali mong ma-‘adjust’ and desisyon mo at kampante ka sa pinapasok mong bagay dahil madami kang alam na, dahil inaral mo mabuti, dahil nag basa ka muna tungkol dito, dahil nag ‘research’ ka muna, dahil hindi mo hinadali at pina naig ang iyong emosyon na pumasok agad dito, dahil nag tanong-tanong ka muna sa iba (na nakaranas na o eksperto dito) at maaring dahil dinasal mo muna at talagang inalam sa iyong sarili bago mo ito pinasok.

Naway nasagot po namin kahit paano yong simpleng tanong na ito patungkol sa pag pasok sa ‘investment’ o negosyo.

 

 

Leave a Reply