financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Steve Jobs Giving The Best Advice On Success And Failure

Sa isang hindi pang karaniwang pag kakataon ng isang lumang ‘video’ na ito ni Steve Jobs na kilala bilang nag tayo ng kumpanyang ‘Apple’ na sikat na gumagawa ng mga makabagong ‘gadget’ sa ngayon.
Sya din ay isa sa yumaman sa sariling pag sisikap at nag simula sa madaming pag subok at hirap bago nya ito narating.
Dito ay binahagi nya ang kanyang obserbasyon na hindi lahat ng tao ay nakaka ranas nga mga kakaibang karanasan sa buhay na hindi pangkariniwan sa ating lipunan dahil hindi sila nag tatanong.  Naniniwala sya na sa pamamagitan ng pag tatanong ay sa kanyang karanasan ay hindi uubrang walang hindi tumugon sa kanyang pag tatanong, basta lamang ikaw ay may aksyon na mag tanong.
Nakwento nya na noong sya ay 12 gulang pa lamang ay may karanasan syang tumawag sa telepono sa isang kilala at mataas na tao na nag mamay-ari ng isang malaking pagawaan ng mga ‘electronic gadget’ at kanyang lakas loob na tinanong ito ng kailangan nyang ‘spare parts’ sa kanyang ginagawang proyekto. At hindi naman sya nabigo dahil sa nag lakas loob syang mag tanong.  At dahil sa nakilala sya ng  kanyang pinag tanungan ay binigyan pa sya ng ‘summer job’ sa kumpanya na iyon na kilala na ‘Hewlett Packard’.
Kaya gayon din naman daw sya na kapag may nag tatanong sa kanya ay hangga’t maari ay pinipilit nyang sumagot din bilang pag balik sa pag kakataon na sya din naman ay nag tatanong sa iba.
Madami sa tao ang walang lakas ng loob at aksyon na mag tanong at meron naman na ginagawa ito kahit na alam nilang mahirap at baka sila hindi pansinin. Ngunit ito ang minsan dahilan ng pag kaka iba ng mga taong may nararating sa buhay sa mga taong walang nangyayari sa kanilang buhay. Importante na tayo ay mag tanong upang tayo ay may makuhang kaalam upang tayo umusad sa buhay.
Ito ay mula mismo sa payo ng isang taong katulad ni ‘Steve Jobs’ na pinayo nya ito sa isang ‘video’ na sya ay na sa kabataan pa lamang.

Leave a Reply