financial freedomfinancial literacypinoy investorpinoy investorspinoyinvestorstambayan

Stocks and Real Estate, sa aking pananaw

Stock Market Real Estate

Habang nag babasa ako ng aming sariling ‘Blog’, napanood ako ang ‘Youtube’ video ni Bro. Bo Sanchez, at may mga punto syang nabanggit at nasabi sa kanyang panayam sa isang programang pang pinansyal ng isang estasyon sa telebisyon na ako ay napa isip at masasabi kong practical dahil siguro ay akin din itong naranasan at pinagdaanan.

May isang parte ng kanyang panayam na tinanong sya kung ano ang sa tingin nya ay ma rerekomenda nyang ‘Investment Approach’ o paraan na puede nyang maibahagi.

Nabanggit nya na dati syang sumubok sa ‘Real Estate’ at meron din syang nabiling ‘Condo’ na nakuha nya sa murang halaga lamang at kanyang pina ‘Rent-To-Own’ at kahit paano ay kumikita naman sya dito.

Maaring totoo na mabilis din kumita sa paraan ng ‘Real Estate’ or sa pag bili at pag benta ng bahay, condo, lupa etc. etc. ngunit tama din ang sabi nya na hindi lahat ng tao ay maaring naka linya sa ganitong pamamaraan.

Mga ilang taon na ang nakakaraan ay naranasan ko ang ‘ma involve’ as isang halos kaparehas na larangan. Meron kaming paupahan na pwesto sa harapan ng aming lumang bahay na kung saan ay nagawan ko ng paraan na makahanap ng gagastos sa pag papa tayo ng gusali dito na ang kasunduan ay sya ang gagastos sa lahat at ibabawas na lamang sa upa sa 5 taon na napag kasunduan na kontrata.

‘Feasible’ ika nga, pero hindi madali ang proseso na aming pinag daanan, dahil sa pakikpag negosasyon pa lamang ay may mahabang usapin at mga kailangan na pag lilinaw pati na sa pag gawa ng kontrata, at nadyan pa ang mga kamag-anak na negatibo at kontra dahil mahirap daw ang iyong pinapasok.

Bukod dito ay sa 5 taon na kontrata ay minsan may alinlangan din kami kung sakaling hindi makatupad ang aming kausap ay maaring mabago ang aming mapag kakasunduan.

Buti na lang at nairaos namin ng maayos yong kontrata at ngayon ay sa amin na din ang gusaling kanilang pinatayo, at sila naman ay sa 5 taon pag nenegosyo ay masasabi natin na kahit paano ay natupad naman nila ang kanila ding naplano.

Kaya’t dahil sa obserbasyon at karanasan mismo ni Bro Bo Sanchez sa larangan ng ‘Real Estate’ ay kanyang naikumpara na isa sa pinaka madaling pasukin na ‘Investment’ ay ang larangan ng ‘Stocks’.

Kasi ay medyo mas konti ang kailangan mong asikasuhin at mas ‘Liquid’ or madaling ma ‘Convert’ sa pera ang iyong kinikitang ‘Paper Assets’, hindi tulad sa ‘Real Estate’ na hanggang hindi nabebenta or napapa renta ay hindi pa sya ma konsidera na pera.

Tulad ngayon na may hinuhulugan din akong ‘Condo’ , pero ito ay pang ‘Long-Term’ at sa ngayon ayoko munang isipin ito na ‘Investment’ dahil ang realidad ay ako pa din ang naglalabas ng pera, sa aking naging ‘Down-Payment’ at buwanang hulog. Magiging kita lamang ito pag ito ay iyo ng nabenta or napapa renta.

Kaya kami sa IMG ay nag bibigay ng mga payong pinansyal kung saan ang isang tao ay magiging komportable, hindi upang gawing kumplikado ang isang bagay. Siguro ay may mga taong gusto kumplikado ang kanilang ‘Investment’ o kaya masaya silang ‘Involve’ sa ‘Real Estate Investment’ na madaming ‘Challenges’ ika nga.

Pero siguro sa medyo konti kong karanasan na din sa buhay, ang aking rason ay bakit kailangan gawin kumplikado, kung sa sarili mo ay may mga puede naman tayong pag piliaan na paraan na simple lamang para sa atin.

Ngunit sa bandang huli, tayo pa din ang mag dedesisyon nito para sa sarili natin.

Leave a Reply